Monday, March 27, 2006

luob at labas (inside out)

Pagsanjan Falls

ito ang tanawin sa luob?/likod? ng pagsanjan falls. sa maliit na halaga (i think 40 pesos), at dagdag lakas ng luob e dadalhin ka ng mga bangkero dito. since, maaga kami dumating dito, solo namin ang falls pati ang luob nito. malamig ang tubig at masarap sa likod ang patak ng falls pagtapat mo dito, para kang minamasahe. sa luob naman e malakas ang hangin at apyas ng tubig. pwede kang mag-stay dito hanggang gusto mo at mag-swimming sa may bungad nito, wag ka lang tatapat ng husto dun sa binabagsakan ng tubig ha, heheheh....

kung balak mo magdala ng camera sa luob nito, siguraduhin mong waterproof ang paglalagyan nito. pero mas maganda yung dry bag, siguradong tuyong tuyo ang luob nun. dala ka na rin ng maraming tuyong pamunas, dahil siguradong mababasa at mababasa ang camera mo pag ginamit sa luob nito.

masarap ngayong pumunta dito para magpalamig... summer na naman at damang dama na ang init dito sa atin...

Tuesday, March 21, 2006

agaw liwanag

nung nakaraang weekend, ginanap ang unang training climb ng mga nagnanais maging kasapi ng ADTREK. hindi ko na nagawang samahan sila paakyat dito nung sabado, sa kadahilanang may nagkamaling kumuha sa akin bilang abay, heheheh. nagmukhang tao daw ako at hindi halatang taong bundok, nyahahahah. matapos ang reception ay dun kami nagsimulang bumiyahe patungong pico, mag 8pm na ko nakaalis ng alabang at pasado alas-diyes ng gabi dumating sa jump-off. dumating kami ng campsite ganap na ika-11 ng gabi.

mula sa campsite ay umalis ang grupo pasado 430 ng umaga patungong summit/beak. nagawa naming abutan ni nicol ang sunrise sa silangan pagdating sa beak habang ang iba ay nag-iipon ipon pa sa summit.

ito naman ang tanawin sa kanluran. ang buwan ay unti unting nagpapaalam habang ang haring araw ay parating. inabot din kami ng mahigit isang oras bago naiakyat lahat ng trainees at ilang members sa beak ng pico. lahat naman ay nag-enjoy at ligtas na nakauwi.

di ko na rin maalala kung ano sa dalawang larawan ang una kong kinuhanan. one thing for sure, less than a minute lang po ang pagitan.

ang mga larawan po ay kuha mula dito....

Wednesday, March 15, 2006

i shall return

mt. pulag summit

this was my last close up shot of the summit as we started to descend. i promised to myself that i shall return to this wonderful place, but not the adik (addict) way, heheheh...

click the picture and try find the guy sitting on the trail (he's wearing a white shirt), heheheh!!!

Thursday, March 09, 2006

tamang daan

ito ang mga iba't ibang trail na madadaanan kung mag akiki-ambangeg ka sa mt. pulag.

Image hosting by Photobucket

ito ang trail mula sa school ground patungong edet river. sandamakmak na pine tress ang iyong madaraanan.

Image hosting by Photobucket

ito pa ang isang trail pababa pa rin ng edet river. expose sa matinding sikat ng araw. ganito rin ang trail paakyat mula edet river hanggang marlboro camp site. imaginin mo, ganito ka expose at naglalakad ka ng ala una ng hapon hanggang alas kwatro, di ba ang saya saya nun....

Image hosting by Photobucket

eto naman yung isang part nung trail mula sa edet river. hindi ko na nagawang ma-picturan ang trail mula marlboro patungong summit, kasi po gabi kami naglakad dun. pero to give you an idea, mas ok dun kasi covered ang trail kaya masarap maglakad, yun nga lang, wala pa ring katapusang paakyat, nyahahahah!!!

Image hosting by Photobucket

ito ang pinakagusto kong part, sa grassland. bagama't expose din ito e sulit naman sa view lalo na at mas mataas ka pa sa mga ulap. puro bamboo dwarf ang madaraanan mo dito.

Image hosting by Photobucket

ambangeg trail, mossy forest dito kaya medyo presko ring maglakad. nang kami'y mapadaan dito, muli kong naalala ang kinabalu climb namin, ganito rin kasi ang trail na dinaanan namin e, yun nga lang, mas mataas ang elevation.

Friday, March 03, 2006

angat sa lahat

Image hosting by Photobucket

kuha ito sa ambangeg trail ng mt. pulag, ang pangingibabaw sa lahat ang isang paraan ng mga puno upang masiguro ang kanilang pagtagal sa mga rainforest/mossy forest. kung ikaw nga naman ang nasa itaas, sagap mo agad ang sikat ng araw. yun nga lang, malaki rin ang chance na ikaw ang unang iyuyuko kundi man ibubuwal ng bagyo, nyahahahahah!!!

dahil medyo matatagalan pa uli next climb ko, ubusin ko muna yung mga pulag pics para sa posts dito, heheheh.....