agaw liwanag
nung nakaraang weekend, ginanap ang unang training climb ng mga nagnanais maging kasapi ng ADTREK. hindi ko na nagawang samahan sila paakyat dito nung sabado, sa kadahilanang may nagkamaling kumuha sa akin bilang abay, heheheh. nagmukhang tao daw ako at hindi halatang taong bundok, nyahahahah. matapos ang reception ay dun kami nagsimulang bumiyahe patungong pico, mag 8pm na ko nakaalis ng alabang at pasado alas-diyes ng gabi dumating sa jump-off. dumating kami ng campsite ganap na ika-11 ng gabi.
mula sa campsite ay umalis ang grupo pasado 430 ng umaga patungong summit/beak. nagawa naming abutan ni nicol ang sunrise sa silangan pagdating sa beak habang ang iba ay nag-iipon ipon pa sa summit.ito naman ang tanawin sa kanluran. ang buwan ay unti unting nagpapaalam habang ang haring araw ay parating. inabot din kami ng mahigit isang oras bago naiakyat lahat ng trainees at ilang members sa beak ng pico. lahat naman ay nag-enjoy at ligtas na nakauwi.
di ko na rin maalala kung ano sa dalawang larawan ang una kong kinuhanan. one thing for sure, less than a minute lang po ang pagitan.ang mga larawan po ay kuha mula dito....
10 Comments:
i always admire pics of the sun.=)
Wow! Gorgeous landscapes!
Iba talaga charms ng Pico. Kahit Minor sya, ganda rin ng landscape. Gusto ko yung 2nd shot mo, andun pa yung buwan
sidney/ferdz, kakaiba talaga landscape ng pico. lalo na during sunrise. actually, first time ko nakapag sunrise sa summit/beak ng pico. sulit ang maagang pag start ng trek...
jey, ano mas gusto mo, sunrise o sunset? ;)
risk, parang alanganin tuloy ako sumali sa inyo? kailangan ba maging "formal" member ng adtrek? hehehe...
dati kasi di pa adtrek ang tawag nung lagi tayo magkasabay sa akyat. bakit pala di nyo kasama lagi si JR?
US ka na ba?
nyahahah, pareho pala tayong sun & moon ang post. pero buti pa kayo ni nicol, naabutan nyo ang sunrise sa tuktok, di ko inabot eh!
p.s.
post mo yung pic mo na naka-coat and tie ka :D
crypt, pwede ka pa rin namang sumama sa amin kahit di member. welcome naman ang mga guests, except lang during training climbs. hopefully e next week
eye, oo nga 'no pareho tayo ng post. yun nga lang may shadow ka pa e...
post ko yung naka coat and tie ako? baka wala ng bumalik dito sa blog ko, nyahahah. sanay sila sa taong bundok na risk e.... :D
kelan kaya ako makakasama sa inyo?
sunrise.=)
Post a Comment
<< Home