Wednesday, February 22, 2006

pagsanjan falls

nung nakaraang weekend, napagkayayaan naming magpunta ng pagsanjan falls. wala lang, isang biglaang lakad na walang kaplano plano. basta gusto lang namin marating yun, nakakahiya mang aminin, kung saan saan na kami nakarating tatlo, pero first time pa lang namin dito, heheheh.

Image hosting by Photobucket

sakay ng bangkang ito, tinahak namin ang bumbungan river mula sa bayan ng pagsanjan hanggang sa may waterfalls. masaya ang aming paglalakbay, kulang kulang isang oras bago namin narating ang aming pakay. exciting lalo na sa mga rapids. may labing anim daw na rapids dito, di na namin nabilang dahil yung mga huling (3-5) bahagi ay masyado ng malakas at di na namin nagawang bilangin dahil sa ang hiling namin e yun na ang huli, nyahahahah.

Image hosting by Photobucket

pagsanjan falls, cavinti, laguna (nikon D70)

ito ang pagsanjan falls. initial reaction namin nung makita ito, "yan na yun?" maganda naman sya kung pagmamasdan. pero sa mga tulad naming iba't ibang falls na ang nakita sa tuwing umaakyat kami ng mga kabundukan, it would be a regular one for us. in fairness, very exciting yung trip going here (pasalubong sa agos) at yung pabalik (mabilis dahil sabay sa agos). not to mention yung ganda ng view habang nasa bangka ka patungo rito.

note: sa mga nagnanais pumunta rito, mangyaring dumiretso na kayo sa bayan mismo ng pagsanjan, laguna. naruon ang tourism office. dun na kayo kumuha ng mga bangkerong maghahatid sa inyo. Php660 per person lang ang bayad (max 3 per bangka). pwedeng mag-tip pero di pwersahan.

salamat nga pala kay eye sa pagpapahiram nya ng D70 camera nya sa trip na 'to...

5 Comments:

Blogger Unknown said...

magkasama lang tayo sa pagsanjan pero di ko nakita yang vantage point na yan, lalo na yung pangalawa. galing galig mo na, bili ka na kasi ng dslr! sulit sayo.

sarap palang mag photo opps kasi iisa ang lugar na pinuntahan pero iba iba kalalabasan ng pictures, nice nice.. saan tayo susunod?? hehe

8:27 PM  
Blogger eye said...

oo nga, mas masarap ang lakad pag biglaan eh. mas madami tayo natututunan nyahahaha! yaan mo cruise, pag-uwi ni risk galing offshore, may dslr na yan hehehe! di na niya mapigil sarili niya eh :D

7:42 AM  
Anonymous Anonymous said...

teka teka, kayong tatlo lang pumunta? ok a. sana next time, baka pwede nyo ako invite. heheheh. Madalas wala akong ginagawa pag andyan ako. :)

2:10 PM  
Anonymous Anonymous said...

risk, kelan ba alis mo? saan stopover mo? baka pag na tyempohan mo ako, pwede kita i pasyal. email ka.

8:55 AM  
Blogger M said...

gusto kung pumutan dyan! pero...di ko magawa...

8:59 PM  

Post a Comment

<< Home