Friday, December 09, 2005

Tulong sa Lantuyang

Image hosted by Photobucket.com

Mt. Halcon, itinuturing na pinakamahirap akyatin na bundok dito sa atin. Ngunit ang taglay nitong kagandahan ang syang humihikayat sa maraming mountaineers na puntahan ito sa kabila ng hirap na haharapin. Ang mga Mangyan ang sinasabing lokal na naninirahan sa mga kabundukan ng Mindoro kung saan kabilang ang Mt. Halcon.

Image hosted by Photobucket.com

Sa ilang ulit na pag-akyat ng Adventure Trekkers Mountaineering Club (ADTREK) dito, nakita namin ang pangangalaga ng mga Mangyan sa kabundukang ito. Dito rin namin nasaksihan ang payak nilang pamumuhay. Isa sa popular exit routes ng ADTrek ay sa Brgy. Lantuyang, Baco, Oriental Mindoro. Dito matatagpuan ang isa sa maraming Mangyan Village, ngunit may mga mangyan na nananahan pa rin sa kabundukan. Pagdadala ng mga prutas at gulay sa kabihasnan ang isa sa ikinabubuhay dito habang ang iba ay inuupahan upang magtabas ng damo at maggamas.

Sa mga panahong may nawawala o naaksidenteng mga mountaineers dito, kabilang sila sa mga nangunguna sa pagtulong sa paghahanap. Pagtulong na kadalasan ay di nalalaman ng karamihan sa atin dito sa kapatagan. Tulad na lamang ng nangyari nuong November 2004, sila ang mga nagsilbing guide at katulong ng mga search and rescue unit ng mga kinauukulan at ilang mountaineeriong groups.

Image hosted by Photobucket.com

Sa kabila ng kagandahan ng kanilang lugar, masasabing salat sila sa mga pangangailangan sa pag-aaral. Sa aming huling pagdalaw, napag-alaman namin na ang mga silid aralan dito ay walang mga ilaw. Nagsusumikap ang bawat mag-aaral sa kabila ng kadiliman lalo na sa mga panahong umuulan. Pagsisikap na syang tinutumbasan ng kanilang mga guro. Kakulangan sa mga aklat at kagamitan sa pag-aaral ang masasabing isa rin sa kanilang pangangailangan. At sa tuwing sasapit ang tag-ulan ay tila nababawasan ang sigla ng ilang mga bata na magsipasok dahil sa sila’y mga nababasa sa paglalakad pati na rin ang kanilang mga gamit. Masasabi rin na ang kakulangan sa guro ang pinakamatinding problema dito. Sa 101 na mag-aaral, mula kinder hanggang ika-anim na baitang, ay dalawa lamang na guro ang nagtuturo dito. Sadyang malayo ang kalagayan nila kumpara sa mga mag-aaral na nasa lungsod.

Image hosted by Photobucket.com

Sa kabila ng kahirapan, nakatutuwang malaman na marami pa rin sa kanila ang nagsusumikap na mag-aral upang marahil kahit paano ay makaahon sa paghihirap. Ang mga sulat sa mga pinaglumaang notebook ay kanilang binubura upang muling magamit. Ang mga lapis ay patuloy na ginagamit hangang sa may pambura, at may natititrang carbon filling. Ang ilan ding mga bata dito ay kinakailangan pang maglakad ng 2 hanggang 4 na kilometro upang makapasok lang.

Image hosted by Photobucket.com

Masasabing hindi lamang ang lugar na ito ang naghihirap at maraming kakulangan sa pag-aaral ng mga bata. Marami pang komunidad sa maraming probinsya ang may ganito ring problema. Kung ating iaabot sa kanila ang ating mga kamay, hindi ba't masayang malaman na may ilang bata tayong natulungang simulan ang pag-abot ng kanilang mga munting pangarap? Mga batang syang sinasabi nating pag-asa ng ating bayan.

Image hosted by Photobucket.com

Ang pamunuan ng ADTREK sampu ng mga kasapi nito ay nagpasyang tulungan ang mga kapatid nating mga Mangyan ng Lantuyang. Ito ay bilang pagkilala sa kanilang pangangalaga ng kabundukan ng Halcon at ang walang sawa nilang pagtulong sa napakaraming mga umaakyat dito. Ang bawat sentimo at pahina ng mga aklat na ating maibabahagi ay karagdagang kaalaman at pag-asa para sa mga kabataang Mangyan.

Image hosted by Photobucket.com

At nuon ngang nagdaang Decmeber 3-4, sa tulong ng bawat kasapi ng ADTREK at ng ilang mga kaibigan at kasamahang volunteers, pinagkaluoban ang bawat bata sa Lantuyang Elementary School ng school supply package, na naglalaman ng mga, notebooks, pad papers, mga lapis, pambura etc. Mayroon ding mga bag, payong. Nagbigay din ng mga luma at bagong libro para sa kanilang gagawing munting silid-aklatan. Maging ang ilang kagamitan sa pagtuturo ng mga guro ay ipinagkaluob din ng grupo. At bilang tulong sa madilim nilang paaralan, ay kinabitan din ng mga ilaw ang bawat kwarto dito at binigyan din ng ilang pamalit. At sa dami ng sumuporta, nagawa ring ipatapos ang kanilang palikuran.

Image hosted by Photobucket.com

"Lubos na lubos kaming nagpapasalamat sa inyo na nagbigay tulong sa mga estudyante ng Lantuyang Elementary School, ito ang kaunaunahang pagkakataon na nangyari ito sa lugar na ito. Nawa'y pagpalain pa kayo ng Diyos para hindi lang ito ang maging huli kundi umpisa pa lang ng pagtulong ninyo sa mga Mangyan. Pwede nyo po ba kaming ampunin na?..."

Image hosted by Photobucket.com

Ilan lamang ito sa mga katagang binitawan ng mga nagsalita galing sa barangay at paaralan. kung inyo lamang narinig ang kanilang mga pasasalamat ay sadyang mawawala ang pagod mo sa lahat ng paghahandang ginawa para sa proyektong ito.

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Simpleng ngiti mula sa mga bata ay sapat na upang mapawi ang pagod ng mga ADTREK members and volunteers sa outreach program na ito. walang anumang bagay ang pwedeng humigit pa sa taos pusong pasasalamat at saya ng bawat batang mangyan kapalit ng aming munting nakayanang handog para sa kanilang pag-aaral.

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Bagama't sinasabi nilang marami at malaki ang naitulong natin sa kanila, nakita at alam nating marami pa rin silang pangangailangan para sa pag-aaral ng kanilang mga kabataan. Hindi ba't ang pabirong sabi nga nila ay ampunin na natin sila? Alam nating kahit anung pagsisikap ang gawin nila ay sadyang mahirap, kundi man imposible, na maiangat nila ang antas ng edukasyon sa kanilang lugar kung walang tutulong sa kanila. Kaya nga ba natin silang ampunin?

Image hosted by Photobucket.com

Sa munting naibahagi ng grupo, bawat volunteers at donors, maraming mga bata maging ang kanilang mga magulang ang nakaramdam ng saya at bagong pag-asa. At sa lahat ng tumulong sa kahit anung paraan, taos puso po ang pasasalamat ng ADTREK lalung lalo na ang mga batang Mangyan ng Lantuyang....

Nawa'y hindi ito ang una't huling pagkakataon na makakatulong tayo sa mga kapos palad nating mga kababayan. Wag din sana kayong magsasawang suportahan ang mga susunod pang project ng ADTREK.

Image hosted by Photobucket.com

muli ang aming pasasalamat sa mga tumulong upang maisakatuparan ang lahat ng ito.

"bunton buwaywa mga kalo" maraming salama po mga kaibigan

--- ADTREK-MC ---

... click here for more pictures...

... read related article....

17 Comments:

Blogger Dorothy said...

your group is a very helpful bunch. its such a wonderful feeling to see that you've helped those that are less fortunate & at the same time able to see beautiful sceneries.

we also do mission work at my rotary & toastmasters clubs but i've not been able to join them for years now. nakaka-miss din gawin ito. :)

i so love that flowing body of water!

9:46 AM  
Blogger risk said...

pao, its a little favor we can do for them for keeping our mountains and mountaineers safe in their place.

maan, since 1st project pa lang namin 'to, we decided na manggagaling sa mga members yung money, we set a minimum amount per member. then nag-post kami sa company namin nung poster nung project namin, friends of member gave donations both in kind and money after reading the poster. in short, solicitation lang po muna sa mga close friends ng mga members. cguro next time e pwede na kaming maghanap ng malalaking sponsor para mas maraming matulungan. by the way, every volunteer have to shoulder yung expenses ng pagpunta dun sa place, kaya nga thankful kami sa lahat ng tumulong at nag-volunteers. kunin ka naming sponsor sa next project ha? heheheheh

7:58 AM  
Blogger Sidney said...

Congrats! The Philippines need young people like you! Keep up the good work!

2:04 PM  
Anonymous Anonymous said...

you have a nice work i hope i can join you too kahit minsan lang
by the way you can visit us at www.farmout.ph
maligayang pasko

6:16 PM  
Blogger Dorothy said...

hey wow! talaga you'll send me the orig file of the pic i mentioned earlier? whee! thank you, thank you!

i updated my blog. my email addy's at the left sidebar po. :)

8:39 PM  
Blogger M said...

ganda ng tanawin pati na ang inyong adhikain...sana ipagpatuloy ng inyong organisasyon ang inyong pagmamalasakit sa mga taong kapus palad...muntik na akong maiyak sa entry mo...buti napigilan inubo at sinipon pa naman ako ngayon...

8:55 PM  
Anonymous Anonymous said...

let me comment on your message from Daniel Quitoriano's blog (http://clutteredthoughts.blogspot.com/)... he may have the techie stuffs in his bag but wait if you check his credit card billing statements - its sky-rocketing. he had many times received demand letters from citibank and hsbc. right now, he's having a hard time paying citibank and bpi (which he's just a supplementary cardholder of his dad).

so this is the guy's version of a kikay kit. hmmm.
ten | Homepage | 12.11.05 - 5:33 am | #

11:41 PM  
Blogger risk said...

pao, yes, ill send you the pic

malaine, thanks for droppin by... marami ring muntik mapaiyak sa amin nung nag-speech yung mga taga brgy dun sa kanilang pasasalamat.

to anonymous, definitely its not me who comment on daniel's blog. if you notice the name use was "ten", unfortunately he/she had put the wrong homepage (w/c unfortunately was mine). kung tiningnan mo sana muna yung list of blog nya, makikita mong ang homepage ni "ten" ay www.ten-e.blogspot.com... yun lang po. salamat na rin sa pagdalaw.

7:56 AM  
Blogger ten e. said...

hi there... i was using a public computer (netopia) when i posted my comment on danes and it was too late when i realized the URL of the haloscan didn't change(default last commenter..)

sorry if it caused any mix-up..

anyways, i think you have verrrry nice photos here!

7:18 PM  
Anonymous Anonymous said...

Eric, kudos to you, to your co-members and to the volunteers. Your photos reminded me of the medical mission we held at Sierra Madre Island.

It's worth every penny when you have helped someone in need in your own little way.

More power to your group!

2:35 PM  
Blogger tochs said...

galing niyo naman. does that mean babalikan dahil sa baha naman.

6:30 AM  
Blogger Letty said...

ang sarap nang feeling kapag nakakatulong ka sa mga nangangailangan nang tulong... God bless you Adtrek super galing nyo...

11:19 PM  
Blogger Letty said...

ang galing naman nang Adrek group.. God Bless you guys...

Ang sarap nang feeling kapag nakakatulong ka sa mga taong nangangailangan..

11:20 PM  
Anonymous Anonymous said...

Well done!
[url=http://eiwkhtqj.com/mazh/fucp.html]My homepage[/url] | [url=http://ofvmakpo.com/mkwm/bcrp.html]Cool site[/url]

6:49 PM  
Anonymous Anonymous said...

Well done!
[url=http://eiwkhtqj.com/mazh/fucp.html]My homepage[/url] | [url=http://ofvmakpo.com/mkwm/bcrp.html]Cool site[/url]

6:51 PM  
Anonymous Anonymous said...

Thank you!
My homepage | Please visit

6:51 PM  
Anonymous Anonymous said...

Thank you!
http://eiwkhtqj.com/mazh/fucp.html | http://jqcsteis.com/rkdr/vqut.html

6:51 PM  

Post a Comment

<< Home