Monday, February 27, 2006

another falls

Image hosting by Photobucket

eto pa ang isang falls na malapit sa pagsanjan. actually, mas una mo itong madadaanan kung patungo ka ng pagsanjan falls. mas mataas ito kumpara sa pagsanjan pero mas mahina nga lang yung agos nito. ang lugar na ito ang sya ring nagsisilbing stop over kung papunta pa lang kayo. dito magpapahinga sandali ang inyong mga bangkero, pwede rin kayong mag merienda dito at uminom ng tubig lalo na kung nabigla o na excite kayo sa mga rapids na inyo ng dinaanan. magabwi na rin kayo ng lakas ng luob dahil mas malakas pa ang rapids magmula rito hanggang makarating na kayo sa inyong pakay.

at kung nais nyong walang masyadong asungot sa pictures nyo, agahan ang pagpunta dito. kami kasi e mga 8 pa lang ng umaga e nakasakay na kami ng bangka patungong falls. kaya naman, solong solo namin iyon ng kami'y dumating dun.

at bago ko malimutan, sabi ng mga bangkero, pag malakas daw ang alon (malamang pag maulan) e hanggang dito lang sila naghahatid. sensya na at di na namin naitanung kung pano yung binayad nyo kung hanggang dito ka lang. di na namin naisip yun dahil narating naman namin yung pakay namin e, nyahahahahah!!!!

try nyong puntahan ito.... mag-eenjoy din kayo... pero... warning lang po....

6 Comments:

Blogger Unknown said...

actually mas nagustuhan ko itong falls na ito keysa yung nasa dulo (pagsanjan falls). sa tingin mo? nice shot...

2:09 PM  
Blogger eye said...

i agree! mas maganda itong falls na ito! kaya nga nung nakita ko pagsanjan, naisip ko, nyek yun na yun haha!

cruise:
andun ka sa kanan nung pic, kita mo? hehehe!

5:01 PM  
Blogger Sidney said...

Wow! This is beautiful! Impressive waterfall!

5:31 PM  
Anonymous Anonymous said...

MAganda sya! Also like the mist at the back, sino yung tao sa gilid? hehehe

11:38 PM  
Blogger Letty said...

nice pictures. sana makapunta din ako one day dyan.

4:43 AM  
Blogger nixda said...

nakapunta na rin ako jan, dissappointed nga kami noong nakarating sa dulo :(

mas maganda yata ang Taytay Falls.

check mo iyong post dito: www.watsOn.blogspot.com

4:24 AM  

Post a Comment

<< Home