Thursday, September 06, 2007

Muling Pagtawid at Pag-abot ng Tulong

sa ikalawang pagakakataon ay muling kumatok sa inyong mga puso ang ADTREK-MC upang tulungan ang ating mga kapus-palad na kapatid na mga mangyan. sa sunud sunod na flash flood at mga bagyong dumaan sa mindoro ay tila di natinag ang mga mangyan. tuloy ang ikot ng buhay para sa kanilang komunidad, tuloy ang pag-aaral para sa mga batang mangyan. nasira man ang ilang bahagi ng kanilang magandang lugar ngunit hindi ang kanilang pag-asang makaahon sa hirap balang araw.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

kung inyong matatandaan, ang adtrek ay namahagi ng ilang kagamitan sa pag-aaral ng mga bata dalawang taon na ang nakakaraan. natuwa hindi lamang ang mga bata kundi maging ang kanilang mga magulang at mga guro. sa unang pagkakataon ay may nagbigay ng tulong para sa pag-abot ng kanilang mga pangarap, tulong na di lamang nagmula sa adtrek kundi sa lahat ng mga taong nagbigay pahalaga sa karapatan ng bawat bata na makapag-aral. ngunit sabi nga nila, ano mang materyal na bagay ay may katapusan, darating ang panahong ito'y mauubos rin. ano ang kanilang gagawin sa pagdating ng pagakakataong iyon? mahirap mang isipin at tanggapin ng karamihan sa atin, ang magagawa nila ngayon ay umasa na lamang. umasa na sana isang araw ay muling may mag-aabot ng tulong.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

batid ng karamihan sa adtrek na darating ang pagkakataong iyon. sa pagsisikap ng mga organizers, muling nagkaruon ng katapuran ang marahil ay panalangin ng ilang mga mangyan na sana'y may mag-abot muli ng tulong sa kanilang pag-aaral. at nuon ngang august 24 ng umaga, 5 magigiting na miyembro ng adtrek ang nauna sa mindoro upang paghandaan ang pagdating ng kabuuang tropa ng mga volunteers galing sa adtrek-mc at mga kaibiganng nais maglingkod. august 24 ng gabi, 5 van ang sunud sunod na bumiyahe patungong batangas pier, bukod pa dyan ang ilan na nag-commute patungong batangas pier, kasama na ang dalawang kaibigan na nagmula pa sa pampanga upang tumulong. umaga na ng august 25 ng kanilang marating ang lantuyang, baco, oriental mindoro.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

maaga pa lang ay nagsigising na ang ating mga volunteers, ano nga ba naman magagawa nila kung sobrang agang pumalahaw ng bopek upang manggising. kung maaga mang nagising ang tropa ay marami ring mga bata ang maaang nagsipagdatingan sa paaralan. kulang man sa mga tulog at pahinga ay buong siglang nagtutulong tulong ang lahat ng kasama upang bigyan ng isang masayang araw ang mga batang mangyan dito. upang hindi mainip at mainitan sa arawan ang mga bata, nagkaruon ng munting film showing, kung nakita nyo lang sana ang ngiti ng bawat isa habang walang kurap sa panunuod sa puting telon, pawi ang inyong pagod at puyat.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

matapos ang unang palabas, ay ipinaghanda sila ng isang munting merienda. marahil ang iba sa kanila ay hindi pa nag-aalmusal, kaya ganun na lang ang tuwa ng mga bata habang pinagsasaluhan ang aming munting nakayanan. sinimulan ang ikalawang palabas para sa araw na 'yon matapos ang kainan.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

ang ibang bata ay masayang nagbabasa ng aming mga dalang aklat habang kami ay naghahanda. dahil sa ang bawat volunteer ay tao lamang, kailangan din munang magpahinga at kumain panandalian. sa pagkakataong iyon naman dumating ang isa pang sorpresa ng adtrek sa mga bata, ang bago nilang mga upuan. ang ilan sa kanilang upuan ay tatlo hanggang apat na bata ang gumagamit dahil sa kakulangan nito. ngayon ay di na sila masyadong magsisiksikan habang nagtuturo si teacher. matapos ang pananghalian ng mga bata at volunteers ay ipinagpatuloy ang film showing.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

sa pagkakataong ito ay mas naging inter-active ang pagdadala ng tulong sa mga bata. kung nuong una ay mga parlor games bago ang pamimigay ng mga kagamitan ngayon naman ay mas nagkaruon ng "bonding moments" ang mga bata at ilang myembro ng tropa. tatlong bata ang babantayan ng isang ate o kuya habang sila ay tinuturuan ng pagkukulay ng mga coloring books, hindi alintana ng mga ate at kuya at mga bata ang init sa luob ng classroom dahil sila ay kapwa natutuwa sa kanilang ginagawa. tsaka, andyan naman ang ilan pang ate at kuya na walang kapaguran sa pagpapaypay upang kahit paano ay maibsan ang init, ang iba marahil ay sinakitan ng kilikili, heheheh!!! pero ok lang, for a good cause naman ika nga.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

sa kabilang bahagi naman ay may nagaganap na story telling sina teacher angie at teacher betong. huling huli nila ang mga kiliti ng mga mas may edad na bata. napuno ng tawanan ng mga bata ang kwarto habang sila ay masayang nagkukwentuhan at may konting laro din. at sa mga bintana ay makikita mong nakadungaw ang mga magulang,nakangiti habang masaya sa luob ang kanilang mga anak.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

matapos ang may ilang oras ding "bonding moment" nina ate/kuya at mga bata, sa labas naman nagkaruon ng palaro. ngunit katatapos pa lamang ng unang palaro ay bumuhos ang ulan at walang nagawa ang lahat kundi sumilong muna at ihanda na ang sususnod na activity.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

feeding program naman para sa mga batang mag-aaral ng lantuyang.naghanda rin ang tropa, sa pangunguna ng best feeders group, ng konting sopas, tinapay at juice para sa mga bata. nang matapos pakainin ang lahat ng mag-aaral ay may sumobra pa sa niluto kung kaya't nakatikim na rin ang iba pang mga bata at maging kanilang mga magulang.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

matapos ang konting salu-salo ay humupa na ang malakas na ulan. dito na ipinamahagi ang mga school supplies na para sa mga bata.bawat isa ay sabik na sabik buksan ang kanilang mga bagong bag na natanggap. sa pagkakataong ito ay nagsamasama ang mga bata at volunteers sa ilang picture taking upang sa gayon ay magkaruon ng isang magandang remembrance ng kanilang muling pagsasama sama.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

batid ng karamihan sa atin na ang tulong na ating naipaabot ay hindi pangmatagalan. ngunit marahil sapat na ito upang hindi sila sumuko at mawalan ng pag-asa sa buhay. pag-asa ng mga magulang na kahit man lang sa elementary o high school ay makapagtapos ang mga anak nila; sa mga bata, pag-asa at inspirasyon na may mga tao pa palang nakakaalala sa kanilang kapakanan at karapatan na makapag-aral. makalipas ang ilang buwan, ang isang taon, ano na ang kanilang kalagayan? tanging mga bata ang makasasagot nyan,ngunit sa ganang akin, habang alam nilang may mga nagmamalasakit sa kanila ay marahil tuloy ang laban. laban sa kahirapan at mithiing makatapos ng kanilang pag-aaral. nawa'y hindi ito ang maging huling pagtulong natin hindi lamang sa mga mangyan kundi sa iba pa nating mga kapatid na nananahan sa mga kabundukan ng ating bayang minamahal.


Words by: Bopek
Photos by: Tiny

0 Comments:

Post a Comment

<< Home