luob at labas (inside out)
Pagsanjan Falls
ito ang tanawin sa luob?/likod? ng pagsanjan falls. sa maliit na halaga (i think 40 pesos), at dagdag lakas ng luob e dadalhin ka ng mga bangkero dito. since, maaga kami dumating dito, solo namin ang falls pati ang luob nito. malamig ang tubig at masarap sa likod ang patak ng falls pagtapat mo dito, para kang minamasahe. sa luob naman e malakas ang hangin at apyas ng tubig. pwede kang mag-stay dito hanggang gusto mo at mag-swimming sa may bungad nito, wag ka lang tatapat ng husto dun sa binabagsakan ng tubig ha, heheheh....
kung balak mo magdala ng camera sa luob nito, siguraduhin mong waterproof ang paglalagyan nito. pero mas maganda yung dry bag, siguradong tuyong tuyo ang luob nun. dala ka na rin ng maraming tuyong pamunas, dahil siguradong mababasa at mababasa ang camera mo pag ginamit sa luob nito.
masarap ngayong pumunta dito para magpalamig... summer na naman at damang dama na ang init dito sa atin...