Thursday, January 26, 2006

love is in the air





Image hosting by Photobucket

click image for a closer look

as i was taking pictures inside a butterfly farm, these two pass by in front of my face. i think it was some sort of courting. i think it's mating season for them because i saw pairs of butterflies "doing" something, heheheh... just like these two...

Image hosting by Photobucket

Friday, January 20, 2006

up close and personal

Image hosted by Photobucket.com

this picture was taken at a butterfly farm in san pablo, laguna. this is the closest shot my camera can get (macro mode, DSC-P8) or it could also be my shaky hands that prevents the camera to focus on a closer shot, heheheh....

Thursday, January 12, 2006

2005 adventures

Saan saang lupalop nga ba ako napadpad nitong nagdaang 2005?

Simulan natin sa
mt marami, 1st time ko dito at ng ADTREK. Kaya siguro mt marami e dahil sa dami ng trail na pwedeng pagligawan, heheheh


sumunod ang birthday climb ng aming PRO sa pico de loro. 4th time ko dito pero first time kong maakyat ang beak.

tapos e sinundan ng mt. manabo para sa training climb ng ADTREK batch 2

sumunod ang day hike traverse ng maculot para naman training climb para sa halcon

dahil nga sa nabigo ang group na makapag summit nung november 2004(dahil sa sama ng panahon) sa
mt. halcon, binalikan namin ang mailap na bundok na ito. At di naman kami nabigo sa pagkakataong ito.

Image hosted by Photobucket.com

the following week e makiling traverse naman kami para uli sa training climb ng batch 2

pagsapit ng april, gulugod baboy naman kami para sa
aking birthday climb. First time din dito ng group.

then nung labor day, niyaya akong sumama sa avilon zoo. Sulit naman ang 208 na entrance fee dito. Di pahuhuli sa ilang zoo na napuntahan ko sa US.

the following week, adik climb naman sa makiling. Walang nagdala ng tent para daw bivouac na lang kami dahil at 12 midnight e mag-trek na kami papuntang peak 1 then balik sa peak 3 tapos baba ng sto thomas. Training climb kasi namin ‘to para sa mt. kinabalu. Yung inaasahan naming malamig na hangin dito e hindi dumating (kahit nung naglalakad kami ng 1am e walang kahangin hangin kaya di na lang kami bumalik sa peak 3. nag UPLB na lang kami. Adik ‘no?

dumating na ang matagal naming pinaghandaan, ang
mt. kinabalu climb. WOW! Sulit ang pagod at gastos sa climb na ‘to. Ito na ang pinakamataas na naakyat kong bundok.

click here for the full story...

at dahil nga sa may kalakihan ang nagastos namin sa kinabalu, pahinga muna ng konti para makaipon uli. Plus, nag-aral uli ako para tapusin ang engineering course. 3-yr course pa lang kasi ang nakuha ko e. kaya bawas ang mga climbs ko. :-(

pero nung july e nayaya ako sa
zoobic safari. I would say na ok rin dito. Pero ang pinakagusto ko sa lugar na ito ay ang kanilang tiger safari. Panalo!!!

pero syempre, may mga exemtion sa bawat bagay, pagdating ng august, akyat na naman. Syempre, palalampasin ko ba ang first anniv climb ng adtrek? HINDI!!!

nakapag day hike din ako sa batulao pagsapit ng october. First time ko lang din dito. Medyo mahabang lakaran at matinding bilaran sa araw pero sulit naman sa view.


then bumalik uli ako ng pico para naman mag-guide sa mga bago naming friends at ilan ding member ng ADTREK.

at syempre, ang pinaka sulit sa lahat ng pagod at oras at gastos ko sa 2005 e ang project: tulong sa lantuyang. First project ng group, first time ko ring mag-plan ng ganito kalaking event. And this project turned out to be just great. Maraming bata, magulang at teachers at maging brgy officials ang natuwa sa munting tulong na aming naipagkaluob.

at iyan po ang mga nangyaring adventures ko for 2005. sana e marami pang dumating na adventures........

Friday, January 06, 2006

Fort Santiago




Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

ano kaya't ganito ang gate sa bahay nyo at ganito naman kalaki ang garden. wow!!! ang yaman mo nun siguro, heheheheh......

1st post of the year eh nangangarap na.... sabagay, libre naman ang mangarap e.