nitong nagdaang long weekend, nayaya akong sumama sa avilon zoo. sa halagang 208 pesos na entrance, pwede ka ng tumambay dito maghapon at may kasama na ring 2 oras na guided tour.
ito ang kanilang pavilion sa tabi ng isang manmade lagoon. ito ang isa sa mga bubungad sayo pag pasok dito.
sa tapat ng pavilion ay ang swan pond nila, pangalawa sa apat na man made lagoon dito sa avilon zoo.
majority ng mga narito ay iba't ibang species ng ibon, dahil nga sa ang ibig sabihin ng avilon ay land of birds o house of birds? basta, lugar ng mga ibon 'to.
kaya asahan nyong sandamakmak na ibon ang makikita nyo rito, hangang sa hindi nyo na matandaan ang lahat ng mga pangalan nito
meron di namang ibang hayop dito bukod sa mga ibon, tulad na lang nito. sabi ng aming guide ay may parating pa raw na elepante at girraffe. may nagsabi ring baka magkaruon dito ng rhino.
at sa lawak na mahigit 7 hectares, tunay ngang hindi lang mga bata ang maaliw dito. maging ang buong pamilya, buong tropa at maging ng mga lovers. sinasabing ito na ang pinakamalaking zoo ngayon sa pilipinas. bagama't hindi pa 100% complete ang construction nito ay masasabi ko na rin, personally, na di pahuhuli ang avilon sa ilang zoo sa buong mundo.
kaya't ano pang hinihintay nyo, byahe na sa avilon zoo sa rodriguez (formerly montalban), rizal. click here to see more pictures
5 Comments:
ang ganda nga. i have to say, your shots are really good.
long time ah!
kaya ka pala nawala sa cyberworld dahil pumunta ka pala sa zoo (aalala ko tuloy kanta ng eheads hehehe)
grabe! ganda naman dyan! at sobrang ganda din ng digicam mo at mga pics walang katulad.
huwaaaw!!! ang ganda ng place or is it just the way u shot the pics kaya gumanda ng ganyan? hehehe :D
ang ganda naman, risk! and your pictures are all so great! gusto ko tuloy na pumunta dyan :)
ilang oras ba yan galing manila?
Post a Comment
<< Home