limatik
ito ang limatik,nag-aabang sa lupa, putik, bato, dahon at sanga ng mga puno at kung saan saan pa... kamag-anak po ito ng mga linta. isa sa pinakaayaw makasalamuha ng mga pinoy moutaineers. bagama't di naman ito nakamamatay, nakakainis lang pag nakapitan ka at nakasipsip ng dugo sa'yo. hindi titigil sa pagdurugo habang nililinis mo, kaya maglalakad kang duguan.
opo, effective na pang-alis ng limatik ang alcohol, i-spray nyo lang dito at siguradong tiklop ang loko. kung medyo sosi kayo ng konti, pwede rin ang off spray. pwede rin naman ang off lotion at vicks, yun nga lang nawawala ito pag pinagpawisan ka na. kaya da best pa rin ang mga spray.
makikita lang ito sa mga rainforest or mossy forest tulad ng halcon at makiling. meron dito sa tarak, napulauan at natib.
sa aming grupo, iba't ibang reaction na ang nakita namin pagdating dito sa limatik. may mga napapasigaw ng " eeeee, LIMATIK!!! tanggalin nyo!" meron namang "aayyyyyy, limatik!!!" paulit ulit lang nyang isisigaw ito habang natatarantang kinukuha ang alcohol nya at wisikan ito.
opo, effective na pang-alis ng limatik ang alcohol, i-spray nyo lang dito at siguradong tiklop ang loko. kung medyo sosi kayo ng konti, pwede rin ang off spray. pwede rin naman ang off lotion at vicks, yun nga lang nawawala ito pag pinagpawisan ka na. kaya da best pa rin ang mga spray.
makikita lang ito sa mga rainforest or mossy forest tulad ng halcon at makiling. meron dito sa tarak, napulauan at natib.
9 Comments:
lintek talagang sumipsip ng dugo yan! nadale ako nyan sa mt. amuyao, mataba na nung natanggal ko sa kamay ko.
yun pala tawag dyan! tanda ko noon, meron ngang ganyan...aray!
ay limaaaaaatikkkkk! kalaban ni bopek at babsie....
This comment has been removed by a blog administrator.
ay naku risk naranasan ko rin nyan. lintik na limatik...
This comment has been removed by a blog administrator.
ai hindi ko kaya sya makita sa picture...hmmm...kelangan ko na ba ang salamin?
ako din hindi ko rin sya kilala, pero nakita ko na sya sa dulo ng dahon.
hindi sya mapapansin kaagad kasi para syang kasama nong dahon
Meron ba nito sa pupuntahan natin? Dapat pala magdala me ng maraming alcohol ...hmmm
Post a Comment
<< Home