Monday, February 28, 2005

maculot...

ang inyong nakikita ngayon ay ang campsite ng mt. mcaulot at ang rockies, at sa ibaba nito ay ang taal lake. kuha ito malapit sa summit ng kami ay pababa (traverse po kami). ang unang plano ay apat kaming makikisabay sa ibang group na magta-traverse din. pero nung araw na yun ay bigla na lang nawala ang isa, kaya ayun, 3 na lang kami. ang dalawang kasama ko, sina eye at lyn, ay naghahanda para sa makiling climb nila. 1st time din nila dito kaya ito ang route na kinuha namin para makita at maakyat nila ng buo ang maculot. ako naman po ay naghahanda para sa climb namin next week.


photo taken by eye

ito ang taal lake. kuha naman ito habang nasa rockies kami at nagpapakasunog sa gitna ng init ng araw. ito ang aking ika-11 akyat dito sa maculot. ganun pa man, hindi nakakasawang pagmasdan ang taal volcano at taal lake mula dito. maaring ang karamihan sa inyo ay nakikita lang ang taal mula sa tagaytay. kung ikaw ay nasa tagaytay, madali mong makikita ang maculot. hanapin mo lang ang pinakamataas na point sa paligid ng taal lake, yun na yun. korte rin itong igloo kaya madaling makilala.


ang malaking island ay ang taal volcano at yung sa malayong bahagi ay ang tagaytay.

11 Comments:

Anonymous Anonymous said...

nice pics tlga! totally breathtaking...

wish ko lng sa pag-uwi ko ng pinas eh makita ko ang mga yan... =)

*rach
*http://bitchyme.blogdrive.com

7:07 PM  
Blogger risk said...

hi rach, pag umuwi ka ng pinas, try mo mag hike para makita mo ang mga place na kagaya nito... :) tnx 4 droppin' by

7:10 PM  
Blogger Letty said...

wow, tracker ka pala nice pictures. when I will come home. maybe we can met ofcourse with my husband. he love also hiking. one of his wish is to hike one of the highest mountain in the Phils.

keep messaging me on my blog.
nice meeting via blog

9:34 PM  
Blogger Ms. etc said...

Alam mo ang di ko ma-getz ay.... PAPAANO MO NAPAGSASABAY yan sa trabaho????

8:29 AM  
Blogger stranger7800 said...

awesome shots!!!

11:21 AM  
Blogger Mmy-Lei said...

sana makaya ko pa ring magclimb pag-uwi ko. wahhhh, di ko pa na-aakyat ang mt. apo eh magreretire na tuhod ko!!!

ayaw ko na sa maculot, sawang sawa na ako jan!!! :)

7:12 PM  
Blogger risk said...

letty: pag-uwi nyo dito, sabihan nyo lang ako and let's plan some climb 4 ur husband :)

"J" : dahil wikend ang day-off namin, pwede kaming mag-climb, wala nga lang talahang pahinga.

mmy-lei: some of us are planning to climb apo next year. nag-iipon na nga kami eh, 500/payday.sakto sa holy week next year. join ka? kailan ba balik mo?

abesamis:tnx 4 droppin by.

7:18 PM  
Blogger Letty said...

actually we were planning to visit phils. this year by December but were not so sure, well it depends If I will get the job or depends on the processing of my citizenship here, but im glad your that your are ready to joints us. Here in Slovenia, in our village there a small mountain. We go three times a year, Once during the Winter but never na. kasi mahirap mag-climb during winter hindi matigas ang tuhod ko sa snow.

5:28 AM  
Blogger Vanessa said...

wow, that lake is so beautiful! sana makapunta ako dyan one day :) nice shots, risk07!!!

2:28 AM  
Anonymous Anonymous said...

hi! first climb ko maculot..wala nman ako balak i career..nagkayayaan lang. hirap pala! although rewarding naman pag nkita n yung view. Friendly mga nkasabay naming climbers! April 23 05 kami umakyat and we go home the ff day. Ang sakit ng mga muscles ko..Babalik pa b ako dun? hmmm...hmmmm...lemme think ..hindi na cguro..:D. I thought maculot is for beginners..di pala. That's my first and probably my last! Before I was puzzled kng san m kinuha yung mga shots.After seeing maculot, alam ko na kung san..dun sa highest peak. We almost lost our way and nearly end up in that area. Buti n lang we followed our instincts and follow the clearer path! Nice shots! Can I share you our photos too? how?

9:40 PM  
Blogger risk said...

chuva, please send the link of your pictures to this address risk1107@yahoo.com

thanks for dropping by...

7:44 AM  

Post a Comment

<< Home