Mt. Marami
Mt. Marami
Nitong nagdaang weekend, napadpad ang aming grupo sa Mt. Marami. Ang lugar na ito ay isa sa mga bagong puntahan ng mga 'pinoy mountaineers. Bagamat tila hindi pa sanay ang mga locals dito ay sadyang napakabait nila at matulungin.
Sandamakmak na trail ang inyong madadaanan at malaki ang chance na maligaw ang mga baguhan dito lalo na at walang kasamang guide. Tulad na lang namin, kung ilang beses kaming napalayo dahil nga sa dami ng pwedeng daanan. Buti na lamang at nariyan ang mga locals na pwedeng mapagtanungan.
Paano kami nakapunta rito ng walang guide? Sa tulong ng isang IT na lumabas sa MMS yahoo group (e-mail). Lakas luob na lang namin sinundan ang mga description duon. Tulad namin, may 2 grupo rin ang gumamit ng IT na 'yon na nakasabay namin. Isa lang po ang di namin nakita na nakasulat sa IT, yung campsite na pwede ang 20 tents. Tatlong group kami na naghanap pero walang makakita kung saan.
Ganun pa man ay sadyang maganda ang lugar. Sana nga lang ay mapangalagaan hindi lang ng mga locals kundi maging ng mga bibisita rito.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home