Thursday, December 09, 2004

ADTREK-MC Goes Beyond Mountaineering


ADTREK volunteers sa sagip kapamilya noong sabado. nahati ang grupo sa tatlo. 2 nagpaiwan sa abs-cbn foundation volunteer(AFV) center para mag-repack, 5 na-deploy sa bulacan, at 4 sa bicol for relief good distribution operation.


sako-sakong mga damit at pagkain ang binuhat ng mga volunteers, inihahanda ito para sa deployment sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.


Norzagaray Relief Operation


lulan ng 6x6 pnp truck na ito ay relief goods na sapat sa 1000 pamilya. kabilang sa grupo na ito ay 5 adtrekkers, 3 abs-cbn volunteers at 7 pnp officers.


dinumog ng mga tao ang evacuation center na ito sa barrio matiktik sa norzagaray bulacan, hindi lang mga evacuees ang nakinabang sa relief good na dala ng sagip kapamilya, pati na rin mga residente ay nakipila na rin, tsk tsk tsk.


Bicol Relief Operations

sila po ang kabilang sa Bicol Team ng Operation Sagip Kapamilya

sa kabila ng panganib na kasama ang militar sa ganitong operation ay di alintana ng mga volunteers, makatulong lang sa mga kapatid nating nasalanta ng bagyo.

maging ang masamang kondisyon ng lansangan ay di naging hadlang upang maisagawa ang relief operation.


si mr. tigasin, lumalambot din pala ang puso sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagyo.

napapawi ang pagod ng mga volunteers sa tuwing nakikita ang mga ngiti ng kanilang mga natulungan

6 na munisipalidad ang natulungan ng bicol relief operation group sa loob ng 2 araw. nakakapagod ika nga ng mga volunteers pero masaya ang pakiramdam dahil naging matagumpay naman ang operation doon.
nitong nakaraang martes lang ay isang batch na naman ng adtrekkers ang sumama sa AFV Bulacan Team upang mamahagi ng relief goods sa ilang bayan dito. kay matt, kevin, darwin at john, congrats and thank you for a job well done. maging sila man ay naging mga re-packer at kargador sa AFV center bago na-deploy sa Bulacan.

----

sa mga nais na makilahok at mag-volunteer, mangyari lamang na mag tungo sa ABS-CBN Foundation sa #65 Scout Gandia, Brgy. Laging Handa, Quezon City

0 Comments:

Post a Comment

<< Home