Tuesday, November 09, 2004

Mt. Halfcon ( Unfinished Climb in Mt. Halcon)

Hanging Bridge over Carayrayan River
Ang simula at katapusan ng iyong paghihirap sa Mt. Halcon.

Kailan lang ay nagtungo ang aming grupo sa Mt. Halcon, ang ikatlo o ika-apat na mataas at pinakamahirap daw akyatin na bundok dito sa 'pinas. Pero sadya yatang namimili ito ng mga taong paaakyatin sa summit, dahil sa masamang panahon at ilang mga pangyayari ay di namin nagawang marating ang tuktok ng Halcon. Napilitan kaming magpalipas ng dalawang gabi sa Aplaya campsite, malapit sa Dulangan river, walang humpay na buhos ng ulan ang aming ininda.



Mt. Halcon Summit as seen in Balugbog Baboy

Ang pinakamimithi ng lahat

Ito sana ang aming pupuntahan kung kami ay pinahintulutan lang ng pagkakataon at ng inang kalikasan. Bagama't di namin ito narating ay naging masaya pa rin ang bawat isa, kahit paano. Nariyan ang sandamakmak na river crossing, flood crossing, mud slide, land slide, halos walang tigil na ulan at syempre pa, ang paborito ng lahat: LIMATIK. Tunay na masasabing ang mountaineering ay " the art of suffering" pagkatapos mong akyatin hanggang summit. Tulad ng napagkasunduan ng mga sumama dito, muli tayong babalik upang muli ay subukang akyatin ang Mt. Halcon.

Para sa kabuuan ng kwento.... Our short story

4 Comments:

Blogger eye said...

meron ba kayong nadiskubre kung sino ang takot sa mga hanging bridge? hehehe!

4:11 AM  
Anonymous Anonymous said...

Thank you!
[url=http://cyjwlhvc.com/axml/onlv.html]My homepage[/url] | [url=http://cajluekt.com/swoc/hays.html]Cool site[/url]

4:43 PM  
Anonymous Anonymous said...

Good design!
My homepage | Please visit

4:43 PM  
Anonymous Anonymous said...

Nice site!
http://cyjwlhvc.com/axml/onlv.html | http://ucwtomym.com/clbc/eiqo.html

4:43 PM  

Post a Comment

<< Home