above the clouds
sa 9 years kong pamumundok, ito ang pinaka paborito kong picture. kuha ito nuong november 1, 2002 sa summit ng mt. halcon. ito rin ang pinaka mahirap na naakyat ko at muntik ng sukuan. pero lahat ng pagod at hirap ay sulit ng marating ang summit!
nuong nakaraang october ay umakyat ang ADTREK dito, ngunit subalit datapuwa't di kami nakarating sa summit dahil sa sama ng panahon at ilang di maiiwasang pangyayari. nanghinayang ang lahat sa preparation na ginawa ng bawat isa para dito. nangako ang lahat na babalik kaming muli, ang isa nga ay di raw magpapagupit hanggang di namin maakyat ang summit. click here to know more...
tunay na mailap ang halcon sa karamihan, marami na ring grupo ang umakyat dito ngunit di pinalad na marating ang tuktok.
sino naman ang di magnanais makabalik dito? kuha pa rin ito sa summit at kitang kita naman na mas mataas pa kami sa ulap ng panahong iyon.
muli naming susubukan na akyatin ito upang sa gayon ay maranasan at masaksihan ng iba naming ka-grupo ang ganda ng kalikasan na likha ng nasa itaas.
4 Comments:
Re: First pic. Saan ka nakatayo? Sa isang sanga? Para kang nakalutang. Kakatakot naman.
WOW, hanep sa alright! on top of the world! everest na dapat next target nyo. hehehe. galing ng kuha, parang imposible!
sadya ngang napakaganda ng likha "Niya"...hai, gusto ko ng umuwi ng pinas at mag island hopping! isnt that count? sa expadition nyo?...just kidding...masayang pamumundok!
isa ako sa mga sinasabi mong "sinawing palad" na maraming dahilan at di naabot ang tuktuk!
sayang! sayang!
Post a Comment
<< Home