Saturday, April 09, 2005

april 9 - araw ng kagitingan

dambana ng kagitingan... isang pagpupugay sa kabayanihan ng mga sundalong pilipino at amerikano na buong tapang na nakipaglaban sa mga hapon nuong world war 2. matatagpuan sa taas ng mt. samat sa bataan.

click here to know more about battle of bataan...

dito naganap ang huling pagtatangka ng mga pinoy at kano na pigilan ang pananakop ng mga hapon. ngunit nuong april 9, 1942, matapos ang may apat na buwan ay isinuko rin nila ang bataan sa mga kalaban. na syang naging simula ng death march, mula marivelez bataan hanggang capas tarlac - that's more than 100 kilometers for 4 days. at sa haba ng lakaran na 'yon ay dalawang beses lang silang binigyan ng kanin, una ay sa orani bataan at ang sumunud ay sa lubao pampanga.


photo taken inside the viewdeck of the cross


at sa pagdiriwang ng araw ng kagitingan, nawa'y wag nating malimutan ang kanilang mga paghihirap. at sana'y di na muling maulit ang isang madugong digmaan na pinagdaanan ng mga naunang henerasyon sa atin.

5 Comments:

Blogger Unknown said...

maligayang araw ng kagitingan. mabuhay!

sama ako sa kinabalu...

6:48 PM  
Blogger M said...

maligayang araw ng kagitingan!

ganda ng mga larawan...

3:44 PM  
Blogger eye said...

galing naman, naalala mo pa ang april 9 :)
ito ba yung umakyat kayo sa mt.samat?

12:13 PM  
Blogger risk said...

cruise/laine, salamat sa pagdaan. mabuhay ang mga pinoy!!!

eye, oo, kuha yan nung pumunta kami last december nina ronald.

2:50 PM  
Blogger Ms. etc said...

Been there. Sayang nawala ko na mga pictures. Kakatakot ang pag-akyat.

8:26 PM  

Post a Comment

<< Home