Thursday, March 31, 2005
Tuesday, March 29, 2005
limatik
opo, effective na pang-alis ng limatik ang alcohol, i-spray nyo lang dito at siguradong tiklop ang loko. kung medyo sosi kayo ng konti, pwede rin ang off spray. pwede rin naman ang off lotion at vicks, yun nga lang nawawala ito pag pinagpawisan ka na. kaya da best pa rin ang mga spray.
makikita lang ito sa mga rainforest or mossy forest tulad ng halcon at makiling. meron dito sa tarak, napulauan at natib.
Wednesday, March 23, 2005
reflection
picture 1
picture 2
kuha ito sa luob ng crater ng taal volcano. imagine, may island(yung nasa picture) sa luob ng crater(taal volcano), sa luob ng island(yung taal volcano island) sa luob ng crater (taal lake, sabi kasi nila the lake itself use to be the crater. sabi nila ha...). ang gulo 'no? an island in a crater in an island in a crater in an island (island of luzon).
isa dito ay binaligtad ko lang, ano sa tingin nyo ang original picture? 1 or 2?
Monday, March 21, 2005
UPLB Forestry
last weekend, umakyat kami ng mt. makiling para sa training climb ng batch2 ng ADTREK. medyo meron yatang may balat sa kanila kaya lagi na lang umuulan tuwing kasama ko sila. ganun pa man ay naging masaya pa rin ang lahat, kahit papaano. kaya ayun, tinamad akong ilabas ang camera ko kaya wala akong bagong picture galing sa lugar na ito.
kuha ito sa may UPLB forestry nung 1st climb ko dito last october, 2004. mahaba, mabato ngunit malilim ang kalsadang ito patungo sa jump-off point.
Friday, March 18, 2005
sunset as seen on mt. halcon's summit
hindi ako mahilig mag-picture ng sunset or sunrise, pero sinubukan ko na rin nung nasa summit kami ng mt. halcon. ilang shots din ang ginawa ko bago ako nakapili ng medyo ok na para sa akin. nawa'y magustuhan nyo rin...
Tuesday, March 15, 2005
mt. halcon
Monday, March 07, 2005
above the clouds
sa 9 years kong pamumundok, ito ang pinaka paborito kong picture. kuha ito nuong november 1, 2002 sa summit ng mt. halcon. ito rin ang pinaka mahirap na naakyat ko at muntik ng sukuan. pero lahat ng pagod at hirap ay sulit ng marating ang summit!
nuong nakaraang october ay umakyat ang ADTREK dito, ngunit subalit datapuwa't di kami nakarating sa summit dahil sa sama ng panahon at ilang di maiiwasang pangyayari. nanghinayang ang lahat sa preparation na ginawa ng bawat isa para dito. nangako ang lahat na babalik kaming muli, ang isa nga ay di raw magpapagupit hanggang di namin maakyat ang summit. click here to know more...
tunay na mailap ang halcon sa karamihan, marami na ring grupo ang umakyat dito ngunit di pinalad na marating ang tuktok.
sino naman ang di magnanais makabalik dito? kuha pa rin ito sa summit at kitang kita naman na mas mataas pa kami sa ulap ng panahong iyon.
muli naming susubukan na akyatin ito upang sa gayon ay maranasan at masaksihan ng iba naming ka-grupo ang ganda ng kalikasan na likha ng nasa itaas.
Thursday, March 03, 2005
niagara falls
dalawang falls ang bumubuo dito, ang horseshoe falls ng ontario, canada, yung nasa dulong bahagi ng picture. at ang ikalawa ay ang american falls ng new york, usa.
kuha ito sa ibaba ng american falls, sa cave of the winds.