Saturday, August 19, 2006

mt. hibok-hibok

matapos kaming makababa ng mt. apo, namasyal kami ng ilang oras sa davao upang makapamili ng mga pasalubong. pero di pa po tapos ang pagiging adik namin. tila ba di pa nasiyahan at kulang pang pahirap sa sarili ang pag-akyat sa apo, tumungo kami sa camiguin island upang akyatin ang mt. hibok-hibok.



dahil sa medyo may kamahalan ang pamasahe papuntang mindanao, e minarapat na rin naming gawing side trip ang pag-akyat sa hibok-hibok. di naman mahilig sa beach at island hopping ang mga kasama ko kaya mas ayos ng side trip ang isang minor climb, heheheh!!!

dahil sa ang hibok ay isang aktibong bulkan, inakala namin na medyo mainit sa itaas (wala pa kasing nakaakyat sa amin dito e). iniwan namin ang mga pangontra sa lamig at puro pang summer ang baon naming damit sa itaas.

pero nakampung buhay yun o, akalain ba naman naming walang matinong camp site sa summit at medyo malayo pa ang crater dito para dun mag-camp. so naghanap na lang kami ng medyo patag na lugar. meron kaming isang nakita pero kahit ang isang tadpole na tent e hindi kasya. deng!!!


kaya ano pa nga ba ang gagawin ng mga adik? improvise!!! at ito ang kinahinatnan namin... bivouac ang kinalabasan namin. sa ilalim ng silong na ito kami nagluto, nag socials at natulog... pero di lang yun ang problema namin, isa pa ay ang lakas ng hangin. kaya magdamag na hirap kaming matulog dahil sa lamig. pero ok na rin, nakaraos din naman ang magdamag, dala na rin siguro ng pagod at konting mojito (tequila daw yun) e nakatulog na rin kahit konti.

kahit na medyo malamig ay pinilit kong lumabas sa aming munting silungan upang mag picture picture ng view... at ito ang ilan sa aking nakunan...

ang mabatong summit ng hibok-hibok....

isang bahagi ng mahabang shoreline ng camiguin island. click mo yung picture para sa close up nung white island....

at ito naman ang sunrise na inabutan ko...

for more pictures of our camiguin/hibok-hibok side trip... click here....

Monday, August 14, 2006

kakaiba sa mt. apo

Sa katatapos na akyat namin sa mt. apo, marami akong nakitang mga kakaibang lugar. tulad na lamang ng lake venado, ito ay makikita sa isang malawak na patag sa taas ng bundok, humigit kumulang 2000+ meters above sea level. medyo umuulan ng marating namin ang patag na iyon, at laking gulat ko ng unang bumungad ito sa akin, para kaming dinala sa isang bahagi ng african plains, wala nga lang yung mga hayop, heheheh.... (di pa po ako nakarating dun, base lang sa napanuod at nabasa, heheh)

ito ang patag na sinasabi ko kung ikaw ay nasa lake venado na. kung nakikita nyo yung mga puno sa bandang gitna ng picture, dun pa kami nanggaling.

pag akyat mo naman ng summit, ito ang bubungad sa'yo

ang campsite ay nakatago sa pagitan ng mga nagtataasang peaks ng apo. lahat daw ng peak dito ay pwede mong akyatin. at sa likod nung dulong peak(yung pinakamalayo sa picture) ay tila kakaibang mundo na naman ang sasalubong sa'yo. kulang kulang dalawang oras din na puro ganito ang aming dinaanan. malalaki at maliliit na tipak ng bato na ang ilan ay medyo gumagalaw pa pag iyong inapakan, kaya bago ibigay ang weight, sinusubukan muna para sigurado, mahirap na e, hehehehe...

photo courtesy of eye focus

sa kasamaang palad ay di ko na po nagawang kunan ng larawan ang boulders ng mt. apo, maybe next time, kung sakaling makabalik akong muli dito. personally, mas nagandahan ako sa boulders ng apo kesa sa mt. kinabalu, wala lang. ito na yata ang nag-iisang lugar na nakita ko na kahit saan ako lumingon ay puro tipak ng bato ang makikita, maliit at malaki. kung akala nyo e pahirap na yung bato sa pagbaba dito, dagdagan pa natin, nakikita nyo yung puting usok sa left side ng picture? sulfur po iyan mula sa mga sulfur vents ng bulkang ito. hindi naman ganun kasama ang epekto ng sulfur sa tao, masakit lang sa mata at medyo kakaiba ang amoy na para bang ayaw mo ng huminga.

ito naman ang aming naging campsite, medyo malawak rin. siguro dahil sa dalawang group lang kami that time. kuha ito mga bandang 4pm pa lang ng hapon. sinwerte pa rin na puro ganito at hangin lang ang inabot namin dito at walang kasamang ulan. kung nagkataon e di alam ng ilan sa amin kung pano makakatulog sa sobrang lamig.

ito naman ang wildberries (?), bagama't maliit kapag kinain mo ito ng medyo maramihan ay nakakabusog na rin. ito minsan ang dagdag trail food ng ilang mountaineers. marami na rin akong naakyat na meron nito, pero dito ko lang natikman ito.

ok rin naman pala ang lasa. siguro sa next climb ko ay makakarami na ko nito, pero unahin ko munang ubusin yung baon kong trail food, kawawa naman yung ilang ibon na kumakain din nito kung aagawan ko pa sila e, heheheh...

next post, our mt. hibok hibok climb adventures and mis-adventures...

Thursday, August 10, 2006

mt. apo - bubong ng pilipinas


ito ang mt. apo kung iyong pagmamasdan sa tabi ng lake venado. ito po ang dahilan kung bakit nawalang muli ang inyong abang lingkod sa mundo ng internet, nagtago muna kami sa mga kabundukan ng mindanao. ito ang pinakamataas na bahagi ng pilipinas

sino ang aking mga kasama? syemre pa ang mga adik na ADTREKKERs.

bakit kanyo adik? biruin nyo, nagsimula kami umakyat linggo ng umaga sa parte ng kidapawan, north cotabato, at bumaba kami sa kapatagan, digos, davao del sur makalipas ang tatlong araw na pamamalagi sa kabundukang ito. syempre di po duon nagtapos ang lahat, pagbalik ng davao city ay namili lang ng ilang pagkain at gagamitin at kami'y tumungo na ng camiguin island upang akyatin naman ang mt. hibok hibok. (pero tsaka ko na kwento yung sa hibok, apo muna tayo)

kuha ang larawang ito mula sa peak, natatanaw nyo ba ang campsite namin?

ganito pala ang tanawin ng sunrise sa tuktok ng pilipinas... 530am ay muli kaming bumalik sa peak upang saksihan ang sunrise sa apo.

ito naman ang lake venado, dyan ko kinunan yung unang larawan (sa taas). malawak na patag ang unang bubulaga sa inyo kung magsisimula kayo ng kidapawan, bago nyo matatanaw ng malapitan ang summit at sa dulo ng kapatagang ito ay ang lake venado, di ko lang sure kung ito ang pinakamataas na lake sa 'pinas sa taas na mahigit 2000masl.

close-up look ng venado mula pa rin sa summit ng apo...

more pics to come.... pati na rin ang aming hibok-hibok adventures and mis-adventures....