Monday, August 14, 2006

kakaiba sa mt. apo

Sa katatapos na akyat namin sa mt. apo, marami akong nakitang mga kakaibang lugar. tulad na lamang ng lake venado, ito ay makikita sa isang malawak na patag sa taas ng bundok, humigit kumulang 2000+ meters above sea level. medyo umuulan ng marating namin ang patag na iyon, at laking gulat ko ng unang bumungad ito sa akin, para kaming dinala sa isang bahagi ng african plains, wala nga lang yung mga hayop, heheheh.... (di pa po ako nakarating dun, base lang sa napanuod at nabasa, heheh)

ito ang patag na sinasabi ko kung ikaw ay nasa lake venado na. kung nakikita nyo yung mga puno sa bandang gitna ng picture, dun pa kami nanggaling.

pag akyat mo naman ng summit, ito ang bubungad sa'yo

ang campsite ay nakatago sa pagitan ng mga nagtataasang peaks ng apo. lahat daw ng peak dito ay pwede mong akyatin. at sa likod nung dulong peak(yung pinakamalayo sa picture) ay tila kakaibang mundo na naman ang sasalubong sa'yo. kulang kulang dalawang oras din na puro ganito ang aming dinaanan. malalaki at maliliit na tipak ng bato na ang ilan ay medyo gumagalaw pa pag iyong inapakan, kaya bago ibigay ang weight, sinusubukan muna para sigurado, mahirap na e, hehehehe...

photo courtesy of eye focus

sa kasamaang palad ay di ko na po nagawang kunan ng larawan ang boulders ng mt. apo, maybe next time, kung sakaling makabalik akong muli dito. personally, mas nagandahan ako sa boulders ng apo kesa sa mt. kinabalu, wala lang. ito na yata ang nag-iisang lugar na nakita ko na kahit saan ako lumingon ay puro tipak ng bato ang makikita, maliit at malaki. kung akala nyo e pahirap na yung bato sa pagbaba dito, dagdagan pa natin, nakikita nyo yung puting usok sa left side ng picture? sulfur po iyan mula sa mga sulfur vents ng bulkang ito. hindi naman ganun kasama ang epekto ng sulfur sa tao, masakit lang sa mata at medyo kakaiba ang amoy na para bang ayaw mo ng huminga.

ito naman ang aming naging campsite, medyo malawak rin. siguro dahil sa dalawang group lang kami that time. kuha ito mga bandang 4pm pa lang ng hapon. sinwerte pa rin na puro ganito at hangin lang ang inabot namin dito at walang kasamang ulan. kung nagkataon e di alam ng ilan sa amin kung pano makakatulog sa sobrang lamig.

ito naman ang wildberries (?), bagama't maliit kapag kinain mo ito ng medyo maramihan ay nakakabusog na rin. ito minsan ang dagdag trail food ng ilang mountaineers. marami na rin akong naakyat na meron nito, pero dito ko lang natikman ito.

ok rin naman pala ang lasa. siguro sa next climb ko ay makakarami na ko nito, pero unahin ko munang ubusin yung baon kong trail food, kawawa naman yung ilang ibon na kumakain din nito kung aagawan ko pa sila e, heheheh...

next post, our mt. hibok hibok climb adventures and mis-adventures...

7 Comments:

Blogger eye said...

nakapanglalaway talaga ang 70-300mm lens mo hehehe! parang ang sarap2 tuloy ng wild berries kahit medyo maasim yung iba. ang sarap nga sana balikan ng Apo, kung hindi lang tayo mag-G2 nyahaha!

10:51 AM  
Anonymous Anonymous said...

wow! ang lufet ng camera... kagaganda ng mga larawan!!! yun lang...

5:19 PM  
Blogger risk said...

eye, bili ka na rin kasi ng telephoto lens mo, siguradong sulit yun sayo... pero kung hindi pa, pwede mo namang hiramin yung lens ko e, basta pahihiramin mo rin ako ng external flash mo ha, heheheh

mareng bongke, mas maganda yung mga solo pics mo dyan... ok lang ba kung i-post ko dito? nyahahahah

7:39 PM  
Blogger Mmy-Lei said...

congrats sa inyo!

ilang oras ang trek going to campsite? saka ilang oras ang builders? matarik ba masyado ang bouldering?

7:49 PM  
Blogger Yoyce said...

kakaiba... habang binabasa ko ung post mo parang naeexcite ako as if sa apo ako aakyat this weekend instead na sa pico. bwahahaha.

all-black? ung nasa pinakaside? :D hi risk!!!! :) nakita din kita :D

10:07 AM  
Anonymous Anonymous said...

risk, ok lang i-post mo solo pic ko basta may talent fee ako hahaha!!!!

12:19 PM  
Blogger Letty said...

ang sarap naman Mt apo. Ilang days nyo or oras hinakyat ang Mt apo. Grabee ang adik nyo sa Hiking. ako kailan ang punta ko dyan, ay naku nangarap si letty...

Anyway Goodluck sa susunod nyo hiking.
yung berries marami dito sa bahay namin.

5:35 AM  

Post a Comment

<< Home