Wednesday, July 26, 2006

rapelling

una po sa lahat ay paumanhin sa napakatagal na pagkakatulog ng blog na 'to, medyo busy e (kunyari, heheheh). ako po'y muling nakabalik na dito sa ating bayan.

ilang araw makalipas ang aking pagbabalik ay sabak agad sa isang adventure, rapelling sa binangonan, rizal. syempre, ang mga kasama ko ay ang mga adik na adtrekkers

ito ang aming unang pormal na pagsasanay sa rapelling. dito ay tinuruan kami ng aming instructor ng basic ropemanship at ilang mga bagay bagay na may kinalaman sa rapelling.

sa bawat talon ay may tatlong taong bahagi nito, una ay ang jumper.

pangalawa ay ang jump master, sya ang magkakabit sa'yo sa tali at sisiguraduhing secure lahat ang harness, carab, belaying devices at kung anu ano pa para masigurong ligtas kang makakababa.

ang pangatlo ay ang ropeman or belayer. sya naman ang pipigil sa iyong biglaang pagbagsak kung sakaling ikaw ay makabitaw sa tali.

kita nyo yung mamang may hawak ng tali sa baba? yun ang ropeman, pag nakabitaw ka at di nya nahila ang tali, sa baba ka na pupulutin...

syempre, sa adtrek ay may karagdagang papel bawat talon, ang photographer, hehehe. pampalakas luob at pamparelax sa mga jumper. lalo na sa mga medyo may takot sa heights.

sa picture na ito, ako po ang jump master at photographer na rin. wag po kayong mag-alala, naka anchor po ako dyan. di pa naman sira ulo ko para pumuwesto dyan ng di naka anchor, heheheh!!!!

8 Comments:

Blogger Mmy-Lei said...

maligayang pagbabalik eric!!! wowowow, bakabakan agad ah! sama ba si wishart mo jan?

wento ka naman ng ibang adventures mo dun!

9:51 PM  
Blogger eye said...

grabe, saksakan ng pogi at macho naman nung ropemaster at photographer. ang cute nung subject nya hahaha!

fave ko yung 2nd pic, ganda ng pagkakakuha ;)

8:00 AM  
Blogger M said...

gusto kung gawin yan, pero dapat siguro mamayat pa ako at mag ehersisyo para di mabigat katawan ko.

4:07 PM  
Anonymous Anonymous said...

from just looking at the pics or watching it on tv... parang ang dali lang. but i'm sure it's not that simple.

ako rin, gusto ko rin gawin yan pero kelangan muna magbawas ng timbang.

10:52 AM  
Anonymous Anonymous said...

weeee~ maligayang pagbabalik cf!!! wow rapelling! like ko rin i-try yan, kaso di ko alam kung kaya ng lakas ng loob ko eh. hihi

3:13 PM  
Anonymous Anonymous said...

i'm not afraid of heights as long as i know i am secure. pero sa ginagawa nyo, di ko kaya yan kahit pa may rope.

1:34 PM  
Blogger Yoyce said...

ey!!! YOU'RE BACK!!! Welcome back :)

pasalubong?! hehehe

anyway, sarap magrapel no!!! namimiss ko na ung mga ganyang adventure!

Oie! me akyat ung org namin sa aug 19-20, pico nga lang, gusto mo sama?! :)

10:47 AM  
Blogger risk said...

salamat sa inyong walang sawang pagdaan... im sure kayang kaya nyo ring gawin 'to... hayaan nyo, sa mga gustong subukan 'to, invite ko kayo next time na mag rapell kami... sensya na sa late na reply ha... alam nyo na... gala tayo e, heheheheh

7:51 PM  

Post a Comment

<< Home