mt. apo - bubong ng pilipinas
ito ang mt. apo kung iyong pagmamasdan sa tabi ng lake venado. ito po ang dahilan kung bakit nawalang muli ang inyong abang lingkod sa mundo ng internet, nagtago muna kami sa mga kabundukan ng mindanao. ito ang pinakamataas na bahagi ng pilipinas
sino ang aking mga kasama? syemre pa ang mga adik na ADTREKKERs.
bakit kanyo adik? biruin nyo, nagsimula kami umakyat linggo ng umaga sa parte ng kidapawan, north cotabato, at bumaba kami sa kapatagan, digos, davao del sur makalipas ang tatlong araw na pamamalagi sa kabundukang ito. syempre di po duon nagtapos ang lahat, pagbalik ng davao city ay namili lang ng ilang pagkain at gagamitin at kami'y tumungo na ng camiguin island upang akyatin naman ang mt. hibok hibok. (pero tsaka ko na kwento yung sa hibok, apo muna tayo)
kuha ang larawang ito mula sa peak, natatanaw nyo ba ang campsite namin?
ganito pala ang tanawin ng sunrise sa tuktok ng pilipinas... 530am ay muli kaming bumalik sa peak upang saksihan ang sunrise sa apo.
ito naman ang lake venado, dyan ko kinunan yung unang larawan (sa taas). malawak na patag ang unang bubulaga sa inyo kung magsisimula kayo ng kidapawan, bago nyo matatanaw ng malapitan ang summit at sa dulo ng kapatagang ito ay ang lake venado, di ko lang sure kung ito ang pinakamataas na lake sa 'pinas sa taas na mahigit 2000masl.
close-up look ng venado mula pa rin sa summit ng apo...
more pics to come.... pati na rin ang aming hibok-hibok adventures and mis-adventures....
8 Comments:
congrats! nakaakyat ka na rin kay Mang Apo.
Nong umuwi ako dyan nitong July lang hanggang tingin na lang ako pati na rin sa Mt. Hibok2 nong pumunta kami don june naman.
wow, i soo love that sunrise pic. ganda!
first time i've heard of lake venado. ganda rin. :)
Ayus talaga kayong mga adik! Hanep yung camp site shot. Natuwa ako sa base camp.
oo nga ferz. sana magkakasabay tayo papunta doon. wala na ata akong makaksabay dahil pumunta na sila lahat. hehehehe...
risk, nakabalik ka na pala ng pilipinas? kelan pa?
saan ba next? busy na busy na naman kasi ako. sinabihan ako about apo before but out of the country na naman ako nung sked nyo sa apo.
malaine, umuwi ka pala last june/july, san ba kayo sa mindanao?
pao,ganda pagmasdan ng sunrise at sunset sa taas ng apo, alam mo kasing wala ng haharang kasi pinakamataas na e, hehehe
ferdz,ayos nga yung campsite dun, may malalaking bato na pwede pagtaguan pag lumakas ang ulan at hangin e.
s.crypt, july 11 pa ko dito sa pinas, next climb is sa daguldol. anniv climb ng adtrek. sama kayo
malaine, umuwi ka pala last june/july, san ba kayo sa mindanao?
pao,ganda pagmasdan ng sunrise at sunset sa taas ng apo, alam mo kasing wala ng haharang kasi pinakamataas na e, hehehe
ferdz,ayos nga yung campsite dun, may malalaking bato na pwede pagtaguan pag lumakas ang ulan at hangin e.
s.crypt, july 11 pa ko dito sa pinas, next climb is sa daguldol. anniv climb ng adtrek. sama kayo
kagaganda talaga ng mga pictures ah...
isa ka ba dun sa group pic? :P
kelan ko kaya maaakyat ang apo.... hmmmm
hi cf! thanks for informing me sa mga bagong galaan. hihi
wow! ang saya naman ng mga adventures mo! ang ganda ng pics nyo, lalo na ung sunrise chaka ung 2nd to the last pic. :D
Post a Comment
<< Home