mt. hibok-hibok
dahil sa medyo may kamahalan ang pamasahe papuntang mindanao, e minarapat na rin naming gawing side trip ang pag-akyat sa hibok-hibok. di naman mahilig sa beach at island hopping ang mga kasama ko kaya mas ayos ng side trip ang isang minor climb, heheheh!!!
dahil sa ang hibok ay isang aktibong bulkan, inakala namin na medyo mainit sa itaas (wala pa kasing nakaakyat sa amin dito e). iniwan namin ang mga pangontra sa lamig at puro pang summer ang baon naming damit sa itaas.
pero nakampung buhay yun o, akalain ba naman naming walang matinong camp site sa summit at medyo malayo pa ang crater dito para dun mag-camp. so naghanap na lang kami ng medyo patag na lugar. meron kaming isang nakita pero kahit ang isang tadpole na tent e hindi kasya. deng!!!
kaya ano pa nga ba ang gagawin ng mga adik? improvise!!! at ito ang kinahinatnan namin... bivouac ang kinalabasan namin. sa ilalim ng silong na ito kami nagluto, nag socials at natulog... pero di lang yun ang problema namin, isa pa ay ang lakas ng hangin. kaya magdamag na hirap kaming matulog dahil sa lamig. pero ok na rin, nakaraos din naman ang magdamag, dala na rin siguro ng pagod at konting mojito (tequila daw yun) e nakatulog na rin kahit konti.
kahit na medyo malamig ay pinilit kong lumabas sa aming munting silungan upang mag picture picture ng view... at ito ang ilan sa aking nakunan...
ang mabatong summit ng hibok-hibok....
isang bahagi ng mahabang shoreline ng camiguin island. click mo yung picture para sa close up nung white island....
at ito naman ang sunrise na inabutan ko...
for more pictures of our camiguin/hibok-hibok side trip... click here....
5 Comments:
golly. that white island is so heavenly!
ay naku ang mga adik talaga, kahit anong hirap talagang aakyat pa rin sila. pero worth it naman diba kahit medyo hindi kayo nakakita nang right place para sa tent nyo.
Heaven ang feeling if you already reach the peak.
more hiking mga adik...
i miss camiguin...i miss white island...
grabe... sobrang pag aadik yan... hahahaha. ang side trip minor climb!!! panalo! naiimagine ko ung lamig na dinanas nyo.
anong camera gamit mo? galing... :)
mukhang mahabang bakasyon ang kelangan ah, buti pinayagan kyong mag-leave sa mga trabaho nyo!
teka, ang sarap ng pulutan nyo, fish balls ba yun?
Post a Comment
<< Home