Monday, February 28, 2005

maculot...

ang inyong nakikita ngayon ay ang campsite ng mt. mcaulot at ang rockies, at sa ibaba nito ay ang taal lake. kuha ito malapit sa summit ng kami ay pababa (traverse po kami). ang unang plano ay apat kaming makikisabay sa ibang group na magta-traverse din. pero nung araw na yun ay bigla na lang nawala ang isa, kaya ayun, 3 na lang kami. ang dalawang kasama ko, sina eye at lyn, ay naghahanda para sa makiling climb nila. 1st time din nila dito kaya ito ang route na kinuha namin para makita at maakyat nila ng buo ang maculot. ako naman po ay naghahanda para sa climb namin next week.


photo taken by eye

ito ang taal lake. kuha naman ito habang nasa rockies kami at nagpapakasunog sa gitna ng init ng araw. ito ang aking ika-11 akyat dito sa maculot. ganun pa man, hindi nakakasawang pagmasdan ang taal volcano at taal lake mula dito. maaring ang karamihan sa inyo ay nakikita lang ang taal mula sa tagaytay. kung ikaw ay nasa tagaytay, madali mong makikita ang maculot. hanapin mo lang ang pinakamataas na point sa paligid ng taal lake, yun na yun. korte rin itong igloo kaya madaling makilala.


ang malaking island ay ang taal volcano at yung sa malayong bahagi ay ang tagaytay.

Thursday, February 24, 2005

I MISS BOSTON CITY

kuha ang larawang ito habang ako'y nakasakay sa isang eroplano galing greensboro, north carolina pabalik ng boston city. nang aking makita ang island na hugis tadpole, bigla kong naalala ang corregidor island dito sa 'pinas. malaki kasi ang pagkakahawig nila.


ito naman ang boston city kung titingnan mula rin sa eroplano. actually, ilang minuto bago mag-touch down ang eroplano sa logan international airport.


i keep thinking, kailan kaya ako makakabalik dito? mukhang malabo na.... sa panaginip na lang yata uli ako makakapasyal sa boston common, beacon hill, MIT, harvard, faneuil hall at sa lahat ng mga lugar na aking napuntahan dito sa tinatawag na new england (massachusetts, new hampshire, rhode island, connecticut, vermont at maine). ibalik nyo ako sa east coast!!!!

time to wake up from this day dreaming...

Monday, February 21, 2005

mt. manabo... muling pagdalaw

nitong nakaraang weekend ay muling bumalik ang aming grupo (ADTREK-MC) sa mt. manabo, isa ito sa mga training climb ng bagong batch. marami sana kaming nakahandang activities para sa kanila, sa katunayan ay may mga umalis pa nga ng friday night upang iset-up sana ang mga gagamitin. yun nga lang, hindi ipinahintulot ng pagkakataon dahil bumuhos ang ulan buong maghapon ng sabado...


click the picture for actual size

bandang 530pm na ng tumila at magkaruon ng konting clearing. takbo agad paakyat sa summit upang samantalahin ang pagkakataon. at sa 15minutes na clearing (tapos ay buhos uli ang ulan), ito lang po ang nakuha kong view... kung hindi lang maulap ay kita sana sa picture na ito ang mt. banahaw, laguna bay at ilang bahagi pa ng laguna at quezon... sayang! pero ok lang, there's always next time....

Thursday, February 17, 2005

the sphere





the sphere

new artwork? hindi po. ito ay isang paalala na kahit ang pinakamayaman at pinaka makapangyarihang bansa ay maaring maging biktima ng terorismo.

matatagpuan ito sa battery park sa new york city. isang pansamantalang memorial para sa mga naging biktima ng September 11, 2001 attack sa USA.

naalala ko pa na kababalik ko pa lang nun dito sa 'pinas ng mangyari ang pag-atake dito. huli kong nakitang buo ang sphere na ito sa world trade center (twin tower) nuong july 04, 2001. at sa aking pagbalik dito nuong may 2004, isang malalim na hukay ang dating kinatitirikan ng pinakamataas na gusali dito sa NY city.

click here to know more .......

Monday, February 14, 2005

where's the target?



isa ito sa mga kanyon na inyong makikita sa corregidor island. ano kaya ang nasa isip ng mga sundalong gumamit nito nuong ikalawang digmaang pandaigdig? ilang barkong pandigma kaya ang pinalubog ng mga bala nito? ang mga uka-ukang inyong nakikita ay mga tama ng shrapnel mula sa bomba ng mga hapon.

sa bandang kaliwa ay makikita ang pico de loro habang ang sa kanan naman ay ilang kabundukan ng batangas.

sa pagbisita sa mga ganitong lugar ay mas madali kong nauunawaan ang ating kasaysayan kaysa ang basahin ang mga history book. sa ganito kasing paraan ay natututo tayo habang naglilibang at namamasyal.


Friday, February 11, 2005

Magic Eye

Since wala kaming climb lately, let's try something else here....

Ok guys, try looking at the picture and concentrate.

Ano ang inyong nakikita?


Tuesday, February 08, 2005

low tide o high tide?

naaalala nyo pa ba yung isang beauty contest dati? yung tinanong kung ilang island meron dito sa 'pinas?

kuha ang larawang ito sa papaya, nasugbu, batangas. dito kami dati nag-camp matapos ang nakakapagod na trek sa pico de loro. dumating kami sa shoreline na 'to na low tide kaya kita namin ang mabatong dulo nito at pwedeng pwedeng lakarin at magpa-picture dun.

ngunit sa aming paggising kinabukasan, ito ang tumambad sa amin. nawala ang daan patungo dun, at medyo malakas ang alon para subukang tawirin. kaya sa susunud na may magtanung din sa inyo kung ilang isla meron tayo, tanungin nyo muna sila kung during low tide ba o high tide.

paano pumunta dito? kung galing kayo ng pico, kunin nyong trail yung pababa ng nasugbu. then, pagdating sa may palayan, pahatid kayo sa barangay papaya. dun kayo arkila ng bangka papunta sa mga island or shoreline. karamihan dito ay libre lang po at pwedeng mag-camp. arkila lang sa bangka ang babayaran.