This story was taken from Bulatlat, the Philippines'salternative weekly newsmagazine (www.bulatlat.com,www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).Vol. IV, No. 45, December 12-18, 2004
Ang Kilusang Masa Laban sa Logging sa Hilagang Silangang Luzon ng 1990’s at Ang Delubyo ng 2004
Hindi nagpabaya ang masa at ang kanilang kilusan nailantad at labanan ang mga mapanirang epekto ng logging na ngayon ay inaangkin ng mga nasa awtoridad na waring kanila. Kailanman hindi mananaig angkasinungalingan laban sa katotothanan.
Ipinadala ni Alpie GarciaPhilippine Peasant Support Network(Pesante)-USA, LosAngeles, CaliforniaInilathala ng Bulatlat
Matapos ang malagim na trahedya ng apat na magkakasunod na bagyo na lumikha ng delubyo sa Silangang Luzon nitong 2004, umarya na naman ang Ponsio Pilatong mga pulitiko, militar at lalo na angPresident Gloria Macapagal-Arroyo sa pagtuturu-turuan.
Nagsisisihan sila responsibilidad sa naganap nahambalos sa may 13 milyong apektado ng baha at putikng rumaragasang mga troso na pumuti ng libong buhay at nagwasak ng mga milyong halaga ng ari-arian.
Ngunit higit na nakakasuka sa lahat ang posisyon ngDepartment of Environment and Natural Resources (DENR)na ipagpatuloy ang legal na logging at kunwa’y patigilin ang illegal logging at magdiin sa reforestration o pagtatanim ng puno. Para bang walangnangyaring delubyo at sa kasabihan sa ingles;“Business as Usual.”
Sa kabilang panig, may mga indibidwal at organisasyon lalo na ang mga nasa Kongreso, mass media, at mga organisasyong pribado( NGO’s) na nagsasamantala rin sa kalagayan at pinalalabas na sila ang bida sa “ krusadalaban sa pagkawasak ng kalikasan at sa pagtatanggol nito.”
Kaya’t kinakailangang bakasin at muling balikan ang kasaysayan para maipakita ang mga ugat ng delubyongnaganap at kung sino ang responsible dito.
Ang Mga Dambuhalang Kompanya ng Logging
Ang isang mariing puna na naririnig ay laban sa NPA. Sinasabing ang NPA ang nasa bundok ngunit bakit hindi nila naipagtanggol ang kagubatan laban sa pangwawasak ng mga kompanya ng logging na ari ng mga dayuhan atmga lokal na warlords?
Ngunit bakit hindi tinatanong, mula noong 1987 hanggang nitong 1995- may tatlong dibisyon ng military sa Cagayan Valley—dalawang dibisyon ng armi – ang 5th at 7th Division at ang halos laking dibisyong PNP, bakit hindi nila napatigil ang logging at ang pagkawasak ng kalikasan? Bakit ang NPA ang pinupuruhan gayong ang military at ang PNP ang dapat sanang pangunahing nagpapatupad ng batas?
Mula pa nooong 1980’s ilang ulit naganap ang matitindi at madudugong enkwentro sa pagitan ng NPA at ng mgapwersa ng AFP na nagbabantay sa lugar na ito. Ang buong silangang bahagi ng Isabela at Aurora ay nagmistulang larangan ng digma sa panahong ito.
Makikita ang saklaw at lawak ng logging sa pasya ngDENR sa pagbibigay nito ng 200 IFMAs sa buong bansa na may 19,523 ektarya. Pito dito ang nasa Aurora, apat sa Quezon at isa sa Nueva Ecija, na may lawak na 207,887 ha.
Halimbawa sa 14 Timber Licencee Agreement(TLAs), ang tatlong malalaking kompanya ay ang Pacific TimberExport Corp. na pag-aari ng isang Fernando Lu sa Dinapigue, Isabela and Dilasag, Aurora; ang Verdant Agroforest Development Corp. ari daw ng isang Jimmy Ng( sa Dipaculao, Aurora, at General Nakar, Quezon), at ang Inter-Pacific Forest Resources Corp. dating UnitedTimber Licenses Inc., (sa Dipaculao at General Nakar)na dating pag-aari ng pamilya ng yumaong CongressmanPuzon .
Nasa Aurora, ang Industries Development Corp.(pag-aaari ni Joselito Ong Jr.); Pacific Timber ExportCorp (Fernando Lu); San Roque Sawmill Corp. (Ching SenBen); Benson Realty & Development Corp. (Ben Ching);Industries Development Corp. (Joselito Ong); RCCTimber Co. Inc. (Roberto Hallare), at ang Toplite Lumber (Johnny Chua).
Kung susuriin ang mga kompanyang ito ay hindi lamang sa Aurora nagpuputol ng kahoy kundi sa Isabela, NuevaVizcaya at Quirino at nilalabas nila sa may tabing dagat dahil mas mabilis maglabas doon ng troso kaysa idaan sa Cagayan Valley road.
Malinaw na ang mga may TLA ay may IFMA rin. Kaya sino ang lolokohin ng DENR na bawal ang illegal na logging pero pwede ang legal na logging?
Sa Quezon, ang may IFMA ay ang Guanzon Lime Development Corp. (ari ni Antonio Guanzon); TecombroAgri Development Corp.; International Hardwood VeneerCorp. of the Philippines (Carolina Young), at Sta.Cecilia Sawmills. Ang nag-iisang IFMA holder sa Nueva Ecija is Orientville Development Corp. Batay ito sa report mismo ng DENR.
Simple lamang ang kasagutan—kung nasaan ang logging, ang sawmill at ang illegal na Gawain, naroon ang military at pulisya.
Pakikibakang Masa laban sa Mapanirang Logging
Mula pa noong kalagitnaan ng 1970’s dahil sa matinding pagtotroso sa Cagayan Vallley, lalo na sa pagkaktuklasng bagong makinang portable- ang “Chainsaw” lumubha ang suliranin sa pagkawasak ng kalikasan. Nagsulputan ang mga malalaking sawmills sa Cagayan Valley para iproseso ang mga kahoy na napuputol sa kagubatan.
Nabuo ang mga bagong baryo ng mga taong gustong magbukas ng kaingin sa mga lugar na nabuksan ng logging. Ito ang naging kaayusan ng pagdami ngpopulasyon sa Cagayan Valley lalo na nang diumano’y masugpo ng AFP ang NPA sa Silangang bahagi ng Isabela.
Hindi lamang ang pagkakaingin ang naging hanap-buhayng mga tao kundi na paggawa ng mga mwebles (furniture)at pagraratan (pagaani ng rattan) na ginagamit sa paggawa ng mga mbwebles at iba pang mga artikulong paexport. Marami ring tagabaryo ang nabigyan nghanap-buhay bilang mga tagalinis ng kalsada ng logging(kaminero) at iba pang hanapbuhay sa sawmill at sa cutting area tulad ng pagluluto at pagtulong sa mga kagamitang panglogging tulad ng turck at bulldozers.
Ngunit para sa mga masang nakatira sa bundok at patag, maging ang mga nagtratrabaho sa logging alam nila ang masamang epekto ng pagkawasak ng kalikasan. Naging tampok ito noong 1981 nang mawasak ang baryo Bintacan, Ilagan, Isabela at mahigit na ilang daang tao ang namatay ng gumuho ang logpan( ipunan ng troso) at sumagasa ito sa baryo tulad ng naganap sa Ormoc noong 1991 at nitong Nobyembre-Disyembre 2004 sa Quezon,Aurora at Nueva Ecija.
Naging tampok ang paglaban ng masa sa mga masamang epekto ng logging sa Cagayan Valley noong 1990-1992. Unang naitayo sa Cagayan ang Cagayan Anti LoggingMovement (CALM), sumunod ang Save the Sierra MadreMountain( SSMM) at ang Lubong Salakniban Movement(LSM)sa Nueva Vizcaya-Quirino-Aurora mula noong 1990-1995. Sinuportahan na ng Pesante-USA ang mga kilusan ito mula nang maitayo ang mga kilusang pangkalikasan naito mula 1993.
Instrumental ang mga samahang relihiyoso sa pagsuportasa mga kilusang ito.Umani rin ng suporta ang mga grupong nabuo mula sa mga progresibong myembro ngmedia. Ngunit ang mga kilusang ito ay ginipit at pilitwinasak ng militar.
Halimbawa ang CALM sa isang bayan ng Apayao ay napagbaligtad ng dating Col. Rodolfo Aguinaldo at pinaaming sila ay “prente ng NPA” at ginipit ang mga paring tumulong mag-organisa sa kanila.
Naging matagumpay lamang ang kilusang ito sa paglalantad sa mga malalaking tao na may interes salogging at sa epekto ng logging. Ngunit hindi nanaging patuloy ang pakikibaka ng mga organisasyong ito dahil sa pagtugaygay at pangigipit ng military at ng mga may kapangyarihan.
Ang ilan sa mga paring Katoliko, mga journalist nanamuno sa mga organisasyong ito ay kinakailangang umalis para maiwasan ang pagtatangka sa kanilang buhay. Ang ilan nga sa kanila ay napilitang mangibang bansa.
Patunay na hindi nagpabaya ang masa at ang kanilang kilusan na ilantad at labanan ang mga mapanirang epekto ng logging na ngayon ay inaangkin ng mga nasa awtoridad na waring kanila. Kailanman hindi mananaig ang kasinungalingan laban sa katotothanan.
Inilathalang Bulatlat © 2004 Bulatlat ? Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute thisarticle, provided its author/s and Bulatlat areproperly credited and notified.