around camiguin
after climbing mt. hibok-hibok, e nag-rent kami ng isang multi cab upang libutin ang buong camiguin island... opo, kayang ikutin ang buong island sa luob lamang ng ilang oras... ang bayad sa cab kung iikutin ang buong island ay between 1200-1500, bahala na po kayong makipagtawaran...
ito ang sunken cemetery, unang natabunan ito nung huling pumutok ang isang bulkan dito. kung pano naman lumubog sa dagat e di ko na po naipagtabnung e, heheheh... sa halagang 10 piso bawat tao e pwede nyong puntahan yung mismong cross...
pangkaraniwang tanawin tuwing umaga sa maraming bahagi ng isla...
at matapos ang inyong paggala sa camiguin island, walang ibang masarap gawin kundi ang kumain ng mga sariwang seafoods. i-try nyo ang j&a fishpen... sulit ang gagastusin nyo dito sa sarap... yung nasa picture e sa j&a fishpen yan... pinalalaki pa nila ng husto yan... anuman ang gusto nyong seafood e huhulihin nila sa kanilang fishpen at tsaka pa lamang iluluto... at nasabi ko bang ang mga kainan ay nasa fishpen mismo? kaya kitang kita ang ilan sa kanilang mga alaga habang masayang naglalangoy... di lang nila alam na anytime e iluluto sila, nyahahahah!!!!
sa aking pagbabalik dito ay susubukan ko marahil ang mag-island hopping naman... kailan kaya yun? hmmm...