Wednesday, July 26, 2006

rapelling

una po sa lahat ay paumanhin sa napakatagal na pagkakatulog ng blog na 'to, medyo busy e (kunyari, heheheh). ako po'y muling nakabalik na dito sa ating bayan.

ilang araw makalipas ang aking pagbabalik ay sabak agad sa isang adventure, rapelling sa binangonan, rizal. syempre, ang mga kasama ko ay ang mga adik na adtrekkers

ito ang aming unang pormal na pagsasanay sa rapelling. dito ay tinuruan kami ng aming instructor ng basic ropemanship at ilang mga bagay bagay na may kinalaman sa rapelling.

sa bawat talon ay may tatlong taong bahagi nito, una ay ang jumper.

pangalawa ay ang jump master, sya ang magkakabit sa'yo sa tali at sisiguraduhing secure lahat ang harness, carab, belaying devices at kung anu ano pa para masigurong ligtas kang makakababa.

ang pangatlo ay ang ropeman or belayer. sya naman ang pipigil sa iyong biglaang pagbagsak kung sakaling ikaw ay makabitaw sa tali.

kita nyo yung mamang may hawak ng tali sa baba? yun ang ropeman, pag nakabitaw ka at di nya nahila ang tali, sa baba ka na pupulutin...

syempre, sa adtrek ay may karagdagang papel bawat talon, ang photographer, hehehe. pampalakas luob at pamparelax sa mga jumper. lalo na sa mga medyo may takot sa heights.

sa picture na ito, ako po ang jump master at photographer na rin. wag po kayong mag-alala, naka anchor po ako dyan. di pa naman sira ulo ko para pumuwesto dyan ng di naka anchor, heheheh!!!!