ADTREK Preparing for Mt. Halcon
Mt. Halcon.... sabi ng maraming pinoy mawteynirs, ito ang pinakamahirap akyatin sa 'pinas. mas mahirap pa sa Mt. Apo, na syang pinakamataas, sa Mt. Napulauan, makiling, banahaw, etsetera etsetera. kaya ng magplano ang ADTREK, na dating angas daw mawnteyniring, na akyatin ito, marami ang nag-isip kung sasama ba sila. hindi ito dey hayk o parang piknik lang na akyat. kakailanganin mo ng dalawang araw paakyat at dalawang araw din pababa. dito mo masusubukan ang halos lahat na ng klase ng treyl ng bundok. reyn at mowsi porest, mabato, maputik, masukal, at higit sa lahat... malimatik, kaya maghanda ka TUOD. isama mo na rin ang malamig na kapaligiran lalo na sa sumeyt, kaya yung mga ginawin dyan, ihanda nyo na sarili nyo.
Maraming ginawang paghahanda ang grupo, at ito ang kwento ng bawat isa...
BMC - bagama't dekada na ang binibilang ng ilan sa kanila sa pag-akyat, ngayon lang nakapag-BMC ang grupo. masaya ang bawat araw ng lektyur, maraming natutunan. nalaman ang mga kapalpakang nagawa na nya sa pag-akyat.dalawang sunud na linggo rin ang isinakripisyo ng bawat isa upang makuha lamang ito. (day1 and day2)
Mt. Makiling - ito ang naging BMC klaymb ng grupo. dito na nai-applay ang natutunan sa lektyur. nakakatuwang isipin na ang bawat isa ay isinasapuso ang kanyang natutunan...damn!!!... ang lalim non ah...
Dyaging - sa BMC, sinabi ng treynor namin na kung desido daw talaga kaming umakyat ng Halcon, kailangan daw na handang handa ang aming mga katawan...kailangan daw e yung may itatagal. at pag daw sila ang umaakyat dun, apat na buwan ang prepareysyon nila... at dahil nga likas na maangas ang ADTREK, dalawang buwan lang ang sa atin, di pa araw araw yun a. kaya naisipan ng karamihan ang mag dyaging sa paikot sa GBP, 2-3 beses isang linggo at hindi bababa sa 30 minits bawat araw. tuwing hapon ay makakakita ka ng mga nagtatakbuhan sa paligid. ito daw ang kailangan para sa endyurans at istamina.
Pico de Loro - merong umakyat ng pico para mapraktis sa pag-akyat. at masubukan na rin siguro ang epekto ng pagtakbo nila. sa kasamaang palad, yung isa sa umakyat dito ay di pinayagang mag-lib ng bisor nyo...waaaahhh!!! pasalubungan ka na lang namin...
Makulot - apat na nilalang ang umakyat dito at nag-trabers. ang dahilan, ito kasing si angas1, medyo nagdududa sa kakayahan nya kaya kailangan daw nya ng praktis. tamang tama naman, nagsorbey na rin sila para sa gaganaping mas maangas na pag-akyat dito... ang dobol trabers in les dan 9 ars.
Makulot(dobol trabers) - ito na yata ang pinakamaangas na nagawa ng grupo. ikutin ang makulot ng dalawang ulit sa luob ng 9 na oras, kasama na dito ang 1 oras para sa tanghalian. lahat ng nakarinig ng plano ng grupo ay nagtataka at wari'y nalilito. "naghahanap ba ng sakit ng katawan ang mga taong ito". maging ang mga residente sa magkabilang dulo ng bundok ay di makapaniwala. pero sa tulong ng bawat isa, sa determinasyon at sa pagnanais na marating ang halcon...nagawa ng grupo ang para sa ilan ay kahibangan, kahit na nga halos isumpa ang organayser nito...ang dobol trabers.
photo courtesy by j. nazareth
Sa lahat ng paghahandang ito ay masasabing handa na ang bawat isa, pisikali at emowsyonali...at kung anu ano pang li... anuman ang dahilan ng bawat isa upang sumama sa halcon, isa ang tiyak na masusubok sa kanila, ang lakas ng kanilang isipan. ang lakas ng katawan ay balewala kung hindi kakayaning kontrolin ito ng iyong isipan... lalo na sa panahong ika'y hirap na hirap nasabi ng iba, pwede ka ng mag-angas pag naakyat mo na ang halcon... pwede mo ng tawagin ang sarili mong ganap na mawnteynir... ngunit sa ganang akin, di kailangang akyatin ito upang maging ganap na mawnteynir, basta't pinangangalagaan mo ang kapaligiran at sinusunod ang LNT prinsipol, maituturing mo ng isa ka ngang mawnteynir. wala ring dapat ipag-angas kapag nagawa mong akyatin ito, bagkus, ibahagi ang magandang alaalang iyong makukuha sa pag-akyat. ang ipakita sa karamihan ang magandang likha ng nasa itaas, at ihanda ang ilang kasamahan upang maging sila ay marating ang isang lugar na sadyang mailap sa karamihan...
kaya sa mga sasama, gud lak, at laging iisiping : "height has nothing to do with it. it's your strength that counts..."