Wednesday, June 15, 2005

the balcony


ito ang aguinaldo shrine sa kawit, cavite. ano ang ginawa ko dito? matapos akong papasukin ng boss ko nuong june 12, oo... nung araw ng kalayaan ay OT ako, pumunta ako ditong mag-isa. first time ko itong puntahan kaya nagtanung tanung lang ako paano makakarating dito, tamang trip lang para may bagong post dito sa blog ko, heheheh!

itinayo ang bahay na ito nuong 1849 at ipinanganak dito si emilio aguinaldo nung 1869 at namatay nuong 1964. sa likod ng bahay na ito matatagpuan ang kanyang libingan.

at sa balkonaheng ito unang iwinagayway ang ating bandilang ginagamit ngayon nuong june 12, 1898. na sinabayan ng pagtugtog ng marcha nacional filipina (national anthem natin ngayon). at ang araw na 'yon ang tinatawag natin ngayong independence day... ngunit masasabi na ba nating ganap na malaya na nga ang bansang pilipinas?

6 Comments:

Blogger Ms. etc said...

pictures not showing on my end. Hmmm, baket kaya.

6:46 PM  
Blogger stranger7800 said...

a very memorable way of spending our Philippine independence. great shots pa rin, syempre!

10:05 AM  
Blogger Unknown said...

ang lupet... pero worth naman ang tama mo, kasi ang ganda nga dyan sa aguinaldo...

6:40 PM  
Anonymous Anonymous said...

Ang ganda ng shrine.

11:34 AM  
Blogger risk said...

j, baka down lang yung photobucket nung time na yun, anyways, tnx

dandy/cruise, it was indeed a different way for me to celebrate ID, dapat nga sana sa luneta ako pupunta eh, kaso, nag-OT nga ako at medyo late na nakalabas sa work, kaya dito ako napadpad. but its worth my time and effort... tnx 4 droppin by.

evi, yan din ang nasabi ko nung nakarating ako dito. 1st time ko lang din makita yun. sayang nga lang at bawal gamitin ang camera sa luob ng bahay kaya di ko na-share yung mas maganda pang luob nyan...

12:26 PM  
Blogger Mmy-Lei said...

buti ka pa nakapunta na jan...ako, kelan kaya?
lupet ng boss mo!!!

7:40 PM  

Post a Comment

<< Home